category category Timothy Gacura category category Oct 9, 2023
OKBet Abandoned Casinos at Resorts PH

Abandonadong Casino at Resort sa Pinas na Maaring Haunted

Sa gitna ng Pilipinas kung saan ang mga masisiglang siyudad at kalmadong tanawin, mayroong mga natitirang gusali ng mga dating nagga-gandahang casinos at resorts—na ngayo’y abandonado, at nagging isang tahimik na tagamasid sa paglipas ng mga era. Sa likod ng mga paguhong gusali at walang katao-taong mga bulwagan, may mga bulungan ng mga hindi nakikita ang nagsilabasan na siyang naging sanhi ng mga hindi maipaliwanag na mga usapin.

Madali na ring isipin na kapag hindi nalagyan ng tao ang mga lugar, ‘yung mga taon ang lumipas na walang kahit na anong kontak sa sangkatauhan, ay posibleng magkaroon ng mga nakakapahindik na mga k’wento. Kung gusto mong bisitahin ang mga lugar na aming sasabihin sa iyo, narito na ang listahan ng mga abandonadong leisure parks na maaring puno ng misteryo at mga multo.

Zamboanga Plaza Hotel and Casino

Ang Zamboanga Plaza Hotel and Casino ay kilala sa luxury, at ang kauna-unahang five-star hotel at ang pinakamalaking hotel sa Zamboanga City. Nagbukas ito taoong 1979, sa panahon ni Marcos.

Walang ordinaryong mamayan ang kayang ma-access ang serbisyo ng lugar. Sa katunayan, tanging mga sikat na tao, at mga matataas na political figures sa buong mundo ang maari lamang tumuntong sa pintuan nito. Kahit nga ang dating pangulo ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos Sr. ay nagbabakasyon dito at uma-attend ng mga event at meetings.

Pero ano ang nangyari? Bakit na lamang ito nagsara noong 1986?

Bagama’t ang dahilan ay hindi pa rin matukoy hanggang ngayon,  may umaaligid na haka-haka patungkol sa paglubog nito. May ilan na ang dahilan diumano ay dahil sa hindi tamang pag-manage (lalo na’t itinayo ito sa panahon ni Marcos at ang korupsyon ay talamak), habang ang iba naman ay naniniwala na dahil may pinatay sa isa mga kwarto nito.

Ganunpaman, ang hotel ay nagkaroon lamang ng pitong taon na pamamayagpag. Ngayon, ang mga pasilidad, gaya ng swimming pool na may pool bar, function hall, at casino ay nakatiwangwang na.

Ang dating engrandeng hotel ay ngayo’y mag-isa, walang katao-tao, at walang kahit na anong human interaction buhat nang ito’y maipasara 34 taon na ang nakakalipas. Imbes na mga tao, ang mga bulwagan nito ay puno na ngayon ng mga usapin tungkol sa mga demonyo, mga multo, at mga cryptid. Bisitahin kung nais.

OKBet Abandoned Casinos at Resorts PH

Mga Parte ng Puerto Azul Golf and Country Club

Prominente rati ang Puerto Azul na golf club sa Pilipinas noong 70s at 80s. Ito ay nasa Ternate, at puntahan ito ng mga tao at turista na nais magliwaliw sa kalikasan. Sadyang sikat itong lugar sa bansa at nabansagan pa bilang “The Golf Capital of the World” at “Asia’s Paradise Resort.”

Nakakalungkot na isipin subalit nang tumuntong ang 20th century, at maraming bago at modernong golf clubs ang naitayo, ang Puerto Azul ay nawala ang dominasyon at paunti-unting nawala. Bagama’t nanatili pa rin naman itong bukas, karamihan sa parte nito ay abandonado na at kinain na ni Inang Kalikasan.

Karamihan sa mga kagamitan nito at kasangkapan ay iniwan na lamang doon para mabulok. Kalaunan, ang sofa, upuan, kabinat, at iba pa, ay sumama na sa kalikasan.

Marami na ang nagtangkang galudgurin ang mga abandonadong parte ng Puerto Azul, at matapos na bisitahin ang mga lugar ay pare-parehas sila ng naging karanasan – tila may nagmamasid sa kanila, at parang naghihintay lamang ng pagkakataon na sila’y sunggaban.

Fontana Leisure Parks and Casinos

Aming idinagdag ang Fontana Leisure Parks and Casino sa listahan na ito hindi dahil sa inabandona ito at naging tahanan ng paranormal. Sa halip, ito ay dahil sa napakaraming violations.

|Sa isang mensahe sa NTC, sinabi ng isang grupo na tinatawag na “Digital Pinoys” na ang mga hindi rehistradong site ng pagsusugal ay naglalagay sa mga manlalaro sa panganib ng phishing at hindi awtorisadong mga transaksyon sa e-wallet. 

Noong 2016, ang casino resort ay naging kontrobersyal matapos na mapag-alaman ng mga awtoridad na mayroon itong itinatagong 1,300 na iligal na Chinese workers. Bukod dito, ang dating Chairman of Macau junket operator Jimei International Entertainment ay tinangkang suhulan ang mga opisyal ng Bureau of Immigration upang pakawalan ang mga manggagawa.

Bagama’t ang kaso ay na-dismiss, ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay inalisan ng lisensya ang Jimei, at ang casino ay ipinasara. Muli man itong nagbukas pero naipasara muli noong 2020.

Hindi man nakakatakot ang k’wento ng lugar, ito ay isang paalala na ang mga iligal na casino sa Pilipinas ay ipapasara. Kaya naman imbes na isaalang-alang ang sarili sa pagsusugal sa isang hindi lisensyado at kahina-hinalang casino, pumili lamang ng mapagkakatiwalaang betting platform gaya ng OKBet. Magsaya sa mga promosyon ng walang kahit na anong panganib, bukod sa naglalakihang welcome bonuses. Sumali na ngayondin!

BASAHIN: Skirvin Hotel – Pinakaiiwasang Lugar ng mga NBA Stars