
Ang larong bingo ay isa sa mga pinakamatandang laro sa buong mundo, at hindi na nakakapagtaka na napakarami ang hindi nakakaalam sa ilang nakakatuwang bingo facts na naipon sa mga nakalipas na dekada.
Nagsimula ang bingo sa Italya, at gaya ng karamihang mga laro kung saan ang kanilang mga pinagmulan ay nagmula sa isang bagay, ang klasikong laro ay galing sa Lo Giuco del Lotto d’ Italia, ang Italian nationaly lottery.
Ngunit ang nagpasikat dito ay ang New Yorker na nagngangalang Edwin S. Lowe, isang salesman ng mga laruan. Noong Disyembre 1929, kanyang nakita ang laro habang bumibisita sa isang fair sa Jacksonville, Georgia.
Ito lamang ay isang ‘bingo icebreaker,’ kung tutuusin. Narito na ang mga nakakatuwang bingo facts na dapat mong malaman upang mabigyan pa ng mas malalim na kahulugan ang bingo.
‘Beano’
Paano ba nakuha ng bingo ang pangalan nito?
Sa katunayan, nang makita ni Lowe na ang laro ay may angking appeal, ay napagdesisyunan niyang mag-produce nito. Ang nauna niyang tawag dito ay ‘Beano.’
Subalit ang tunay nitong pangalan ay nabuo ng isa sa mga kaibigan ni Lowe ay naging excited masyado habang naglalaro. Kaya naman imbes na masambit niya ang ‘beano,’ nasigaw niya ay ‘Bingo!’
Ang founder ng bingo ay isang Amerikano
Dahil nagmula ang bingo sa Italya, marami ang naniniwala na ang mga Italyano ang lumikha ng larong ito. Ngunit, mali sila nang iniisip.
Sa malamang nag-iisip ka sino talaga ang nakaimbento ng bingo. Sa katunayan, magugulat ka na ang Amerikanong si Hugh J. Ward ang lumikha ag nag-standardized ng laro sa mga karnabal sa loob at palibot ng Pittsburgh at Western Pennsylvania. Siya ang tinaguriang ‘Founder ng Bingo’ matapos na makapaglabas ng isang rule book noong 1933.
Isa itong gamit sa edukasyon
Ngayon, itong fact na ito ang isa sa mga bingo facts na bagay sa mga estudyante.
Alam mo ba na nang dumating ang laro sa Germany, napag-alaman nilang perpekto ito bilang gamit sa edukasyon para sa mga bata?
Dahil sa ito ay isang engaging at nakakaakit na aktibidad, ang mga Germans ay ginamit ang bingo upang tulungan ang mga estudyante na gumaling pagdating sa spelling at vocabulary; ginamit din ito upang matuto sila sa multiplication table.
Hindi lang pang-entertainment, maganda rin ito sa kalusugan
Ang paglalaro ng bingo ay may malalim na kahulugan hindi lang sa entertainment kundi pati na rin sa health industry. Maganda ito sa utak ng mga naglalaro. Bakit? Ang paglalaan ng atensyon sa mga numero na tinatawag at ang layuning mamarkahan ang mga ito ay nangangailangan ng malalim at walang-tigil na konsentrasyon.
|BASAHIN: Bakit Dapat Gamitin na ang OKGames Lucky Cashback?
Isang grupo ng mga scientist ang nagsagawa ng obserbasyon sa pagitan ng mga indibidwal na naglalaro ng bingo at sa mga hindi. Nadiskubre nila na ang naunang grupo ay may mas matalas na isipan.
Isang masayang aktibidad sa simbahan
Isang sugal ang bingo, pero depende ito sa magiging layunin nito. Ang mga simbahan ay nag-oorganisa ng mga bingo games upang makalipon ng pondo, na nanghihikayat sa kanilang kongregasyon na magsaya habang nagdo-donate.
May kakayahan itong magtulak sa isang tao na mawala sa katinuan
Alam niyo ba na ang mga klase ng bingo games ay may milyong kombinasyon? Ang mga kombinasyong ito ay sobra para sa isipan ng isang tao, at kaya nitong baliwin ang sinumang magtatangkang alamin ang iba’t-ibang sequence ng mga numero. Ganoon ang nangyari kay Carl Leffler, isang mathematics professor sa Columbia University. Nabaliuw siya matapos na kumuha ng 6,000 na bingo cards at manual na gumawa ng random na grupo ng mga numero. Pero dahil sa kanyang sakripisyo, ang modern-day bingo card ay nagkaroon ng patent noong 1942.
Isang laro para sa parehong kasarian
Ang bingo ay madalas na nilalaro ng mga kababaihan, na nangangahulugang mas marmaing babaeng manlalaro kesa kalalakihan.
Bukod dito, hindi mauubusan ng mga babaeng naglalaro sa mga bingo halls at online platforms tulad ng OKBet na may online bingo. Kaya kung naghahanap ka ng paraan upang makihalubilo at makapag-enjoy, ito na ang sign mo upang gumawa ng account agad-agad.