
Alex Eala, Isang K’wentong Dapat Ibahagi
Ang Filipina tennis prodigy na si Alex Eala ay may isang kuwento na dapat ibahagi sapagkat may kakayahan itong makahikayat sa mga kabataan na magsanay sa palakasan at maging susunod na representative ng Pilipinas sa international sports scene.
May tangkad na 5-foot-9, dinomina ni Alex ang women’s division at tinulungang ibalik muli ang Pilipinas sa mapa ng mundo ng tennis.
Ipinanganak noong Mayo 23, 2005, si Alexandra Maniego Eala, o Alex Eala, ay pumapalo na ng mga tennis balls buhat nang siya’y bata pa (nasa apat na taong gulang). Marahil ang kanyang pagmamahal sa sport ay dahil nanunuot sa kanyang dugo ang pagiging isang atleta – ang kanyang ina, si Rosemarie Maniego-Eala, ay isang dating national swimmer na nagbigay sa bansa ng tansong medalya sa 1985 Southeast Asia Games sa Bangkok, Thailand. Ang kanyang kuya naman na si Michael, ay tinatahak din ang daan patungo sa pagiging isang mahusay na tennis player.
Pero hindi sana matutunghayan ng mga Pilipino ang paglalakbay ni Alex patungo sa rurok ng tagumpay kung hindi dahil sa kanyang yumaong lolo na si Roberto “Bobby” Maniego, na siyang nagbigay ng suporta sa kanya mula ng ipakita niya ang pagmamahal sa tennis.
Kaya naman narito ang timeline ng kanyang paglalakbay patungo sa pagiging isang professional tennis player, at tunghayan ang ups and downs ng isang Alex Eala.
2013
Alex Eala sa karamihan, nasa edad walo nang siya ay nagsimulang sumali sa mga torneo. Noong Abril, ginapi niya si Chul Kei-Leun ng Hong Kong para manguna sa under-10 category ng Ruflex championship series sa Cebu.
Walong buwan naman ang nakakalipas, lumipad si Eala sa Stateside kung saan nasungkit niya ang 8-and-under category ng Little Mo international tournament. Masasabi na rin natin na ito ang pinakauna niyang grand slam.
2015
Pagtungtong niya ng edad 15, nanalo si Alex sa Dubrovnik Dud Bowl Championship sa 11-and-under sa girls’ category.
2017
Noong 2017, nakuha ni Alex Eala ang ranking na #1 at naging pinakamagaling sa Asian Tennis Federation. Nakatanggap din siya mula sa Tennis Europe ng Doubles Player of the Year kasama ang tennis partner na si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia.
2018
Ito ang taon kung saan sunud-sunod ang kompetisyon na sinalihan ni Eala kung saan siya ay isang wild card. Ang ‘‘wild card’ ay ang player kung saan napabilang siya sa draw ng isang tennis event sa kagustuhan ng organizing committee o galing sa namamahala sa torneo.
Bilang isang wild card sa Les Petit As-Le Mondial Lacoste, kung saan ginulat niya ang lahat matapos na tanghalin bilang kauna-unahang wild card champion nang talunin niya si Linda Nosková ng Czech Republic.
Pinamangha ng kanyang underdog win ang French Tennis Federation, dahilan upang magkaroon ulit siya ng isang wild card ticket, para naman sa 2018 Rolland Garros Junior French Open. Sa kasamaang-palad, natanggal agad siya sa second round matapos talunin ni Peyton Steams ng USA.
Gayunpaman, hindi nito nabuwag ang determinasyon niya sapagkat noong Hulyo, naging isa ulit siyang wild card sa ITF Jakarta U18 torunament kung saan nasungkit niya ang second place sa likod ng kanyang co-Doubles Player of the Year awardee na si Priska Nugroho.
Pero hindi rin naman gaanong katagal bago nakuha niya ang kauna-unahan niyang U18 title sa Alicante, Spain noong Oktubre. Kanyang ginapi ang mga katunggali sa ITF G5 tournament at tinalo pati ang home favorite na si Jessica Bouzas Maneiro.
Buwan ng Nobyembre nang bumalik siya sa Pilipinas at nag-compete sa G4 tournament sa Makati kung saan tinalo niya si Dasha Plekhanova ng Canada, ngunit hindi siya pinalad matapos na talunin ni Janice Tjen ng Indonesia.
Ngunit hindi pa rin tapos si Eala dahil sumali pa siya sa dalawang Tennis Europe na torneo. Sumali rin siya sa isang Duren tournament sa Germany at sa isang Hasselt event naman sa Belgium.
Dahil dito, narekognisa siya bilang 2018 Overseas Player of the Year ng Tennis Europe. Bukod dito, naging isa rin siyang iskolar ng Rafa Nadal Academy.
2019
Matapos ang mga panalo at talo, binigyan ni Eala ang Pilipinas dalawang makasaysayang tropeo.
Binali ni Alex ang 26 na taon na sumpa ng Pilipinas at nakarating siya sa Asia/Oceania qualifiers matapos talunin ang Hong Kong, 2-0, sa Kuala Lumpur.
Matapos ang torneo na ito ay sumali naman siya sa US Open Junior at naging kauna-unahang Pilipino na makasali sa Grand Slam tournament. Ang unang Pilipino na nakaabot sa stage na ito ay si Jeson Patrombon dalawang dekada na ang nakakalipas. Hindi nga lang siya nagtagal sa torneo dahil pinigilan sia ni Mai Napatt Nirundorn sa second round.
Bagama’t maaga siyang napaalis sa US Open, hindi naman dito nagtatapos ang mga sinalihan niyang kompetisyon sapagkat dumeretso siya sa South Africa para sa ITF Junior Grade 2 tournament at Grade A tournament. Nanalo siya sa singles division sa huli at semi-finals naman sa doubles kasama ang kanyang Rafa Nadal Academy colleague na si Elvina Kalieva.
Nagtungo rin siyas a Osaka para sa isa pang Grade A na event pero natalo nang makasagupa niya si Dianne Parry ng France. Pero nagpasabog naman siya bago matapos ang taon sapagkat sinungkit nilang dalawa ni Evialina Laskevic ang kampeonato sa Orange Bowl International Tennis Championships doubles.
2020
Maganda na agad ang panimula ng 2020 sa ngayo’y katorse anyos sapagkat napabilan na siya sa top 10 ng ITF World Juniors ranking, at nilagay naman siya sa #9 ng World Tennis Federation, kung saan siya ang naging highest-ranked sa Southeast Asia.
Pinatunayan naman ni Eala na deserve niya ang ranking sapagkat nakuha niya ang kauna-unahang Grand Slam title niya sa Australian Open Juniors championship kasama ang kanyang longtime partner na si Priska Madelyn Nugroho. Tinalo nila ang kanilang mga katunggali, maging sina Ziva Falkner at Matilda Mutavdizic na may iskor na 6-1, 6-2 sa finals.
Dahil nanalo sa torneo, siya ang naging kauna-unang Pilipino na bukod kay Francis Casey Alcantara na magwagi ng Juniors Grand Slam title. Dahil sa kanyang titulo, tumaas ang kanyang ranggo at naging no. 4
Bukod dito, ang kanyang peformance sa French Open Juniors ay sapat na upang siya ang tanghalin bilang world juniors rank No. 2.
2021
Sinimulan niya ang 2021 sa pamamagitan ng isang matagumpay na run sa $15k Manacor event sa Espanya, kung saan napabilang siya sa top 1000 ng Women’s Tennis Association (WTA).
Nagtungo naman si Eala sa Miami Open bilang isang wildcard pero natanggal din agad matapos na matalo kay Viktória Kužmová sa isang three-set battle.
Ipinagdiwang naman ni Alex ang Araw ng Kalayaan sa pamamagitan ng pagsungkit ng kanyang ikalawang Grand Slam title sa Paris sa tulong ng kanyang Russian partner na si Oksana Selekhemeteva sa French Open girls’ doubles.
2022
Napasama sa kasaysayan si Alex matapos maging kauna-unahang Pilipino na manalo ng junior Grand singles title. Kanya ring inilagda ang pangalan sa mga aklat ng kasaysayan dahil siya ang unang Pilipino na magkaroon ng maraming Junior Grand slam titles pagkatapos talunin si Lucie Havlickova sa US Open.
2023
Ang pangalang Alex Eala ay nasa world No. 191 noong Setyember 18, 2023 at ngayo’y nirerepresenta ang Pilipinas sa 19th Asian Games sa Hangzhou, China.
Kung ating titignan, si Alex ay isang patunay na ang mga Pilipino ay may potensyal na marating ang pinakatuktok sa mga sport tulad ng tennis. Ang Filipino community ay dapat mag-focus din sa ibang sports bukod sa basketbol at volleybol, dahil kaya nitong magkaroon ng traction, bukod sa pagiging isang tampulan sa online sports betting.
Kayang makahikayat si Alex ng iba para maglaro ng sports, at dapat siyang gawing isang ehemplo. Isang halimbawa na lamang ng kanyang pagmamahal sa bayan at sa tennis ay ang paliwanag niya sa kanyang speech noong nanalo siya sa 2022 US Open. Ito ang kanyang sinabi:
“It’s important to me because I don’t see a lot of Filipinos on the worldwide tennis stage. I think we’re very patriotic, and we love our culture, and that’s how I grew up, too – being proud of our traditions and whatnot. So I’m just carrying that part of my personality onto the court and into my career.” (Importante ito sa akin dahil wala akong masiyadong makitang mga Pilipino na nasa pandaigdigang entablado ng tennis. Sa tingin ko, masiyado tayong makabayan, at mahal natin ang ating kultura, at ganoon din ako pinalaki — ang ipagmalaki ang ating tradisyon. Kaya naman akin lang ipinapakita ang aking personalidad patungo sa court, at papunta sa aking career.)
BASAHIN: Pagtaya sa MMA: Impact ng Fighter Styles sa Odds