
Ang Wrigley Field ay naitayo mahigit isang daang taon na ang nakararaan, at hindi na nakakapagtaka na pinamamahayan na ito ng ilang mga multo kasama ng Chicago Cubs.
Sa likod ng mga sigawan gabi-gabi, marami ng kababalaghan sa lokasyon na ito sa tuwing walang katao-tao sa mga upuan at patay ang mga ilaw. Pero bago natin pag-usapan itong mga katatakutan, atin munang pag-usapan sandali ang kasaysayan nito sa Halloween Special ng OKBet.
Kasaysayan ng Wrigley Field
Itinayo taong 1914, ang Chicago Whales ang kauna-unahang nanirahan sa Wrigley Field. Ang stadium ay pagmamay-ari ni Charles Weeghma, at ipinangalan ang field bilang “Weeghman Park.” Tinirhan ito ng Whales na dating parte ng Federal League. Subalit nagtagal lamang ito ng isang season matapos na magsara ang nasabing liga noong 1915.
Gayunpaman, ang may-ari ng stadium ay hindi tapos sa baseball. Nakipag-partner siya kay William Wrigley Jr., at magkatulong nilang binili ang Chicago Cubs noong 1916. Sila na ang tumira sa dating Weeghman Park.
Binili naman ni Wrigley ang controlling interest ng Cubs noong 1918. Bukod dito, binago din niya ang pangalan bilang Cubs Park, na kalauna’y naging Wrigley Field noon 1926.
Ang mga Multo sa Wrigley Field
Hindi man ito gaanong nakakatakot ngunit heart-warming sapagkat ang mga multo na nagpaparamdam dito ay napakaraming memorya noong mga panahong sila ay humihinga pa. Tatlong espiritu ang nanatili dito sa Wrigley Field kasama ng Cubs, at ito ay ang mga:
Nanatili si Grimm
Mayroong isang lalaki na walang planong umalis sa Wrigley Field. Siya ay si Charlie Grimm, dating first baseman ng Cubs na naging club manager noong 1932.
Mayroon siyang dalawampu’t taong karanasan bilang isang propesyunal na player. Mayroon siyang average na .290 at 2,299 hits. Bilang isang Cubs manager, mayroon siyang 946-782 na record at may .547 winning percentage.
Nakapagtala rin siya ng tatlong pennants noong siya ay isang manager, at nakarating sila sa 1932 World Series kung saan hinarap nila ang New York Yankees. Sa kasamaang-palad, natalo sila matapos na ma-sweep ng Yankees.
Ngunit dahil sa nakakahiyang pagkatalo ni Grimm, hindi niya maatim na iwanan ang Wrigley Field. Gusto niyang manalo ang Cubs sa Series.
Nanatili ang kanyang espiritu sa stadium matapos na siya’y pumanaw sa edad na 85 dahil sa cancer. Ayon pa sa mga ulat ng mga graveyard shift security, ang telepono sa bullpen ay tumutunog minsan. Marami ang naniniwala na tinatangka ni Grimm na tumawag mula sa Afterlife para mag-suggest ng mga pagbabago sa rotation, istratehiya, etc. nakita rin siyang palakad-lakad sa gusali at naririnig na bumubulong ng mga pangalan.
Nag-eenjoy si Goodman sa Laro
Isang tanyag na folk music singer/songwriter na nagngangalang Steve Goodman ay humingi ng permiso na ang kanyang abo ay ikalat sa Wrigle Field kapag siya ay namaalam. Kaya naman noong siya ang namatay sa leukemia noong 1984, ang kanyang huling hilling ay tinupad.
Sa isang sulat, kanyang sinabi, “Let my ashes blow in a beautiful snow/From the prevailing 30 miles an hour southwest wind/When my last remains go flying over the left-field wall.”
Iyon nga ang ginawa ng Cubs at tinupad ang kanyang hiling. Ngayon, ang kanyang kaluluwa ay nasa isa sa mga upuan sa likod ng home plate, nanunood ng mga laro magpasa-walang hanggan.
Andito pa rin si Caray
Minamahal na tagapag-ulat si Harry Caray. Nagsimula ang kanyang karera sa St. Louis Cardinals noong 1945 at nagtrabaho roon hanggang 1970. Naging matagumpay siya sa kanyang propesyon at nakapagtrabaho sa Oakland at sa south side ng Chicago.
Tinapos niya ang karera bilang parte ng Cubs, at kanyang inulat ang kanilang mga ups at downs sa loob ng labinganim na taon. Minahal siya ng mga fans sa Wrigley Field at siya ginawang imoratal sa pamamagitan ng isang estatwa.
Ngunit hindi siya umalis sa Wrigley Field kahit na siya ay pumanaw noong 1998. Ang mga empleyado at tagahanga ay ibinahagi ang kanilang mga karanasan na may kinalaman sa espiritu ni Caray. Marami ang nagsabi na nakikita siya na nasa pres box at sa kalapit na bleachers. Mayroon ding pagkakataon kung saan may hindi maipaliwanag na hamog na bumabalot sa stadium at marami ang naniniwala na siya ang may gawa nito.
Bilang konklusyon, hindi lamang ang sumpa ni Billy the Goat ang bumabalot sa Wrigley Field, kundi mga kaluluwa rin. Pero kung amin kayong tinakot, bakit hindi muna mag-chill at magsaya sa paglalaro ng online slots sa OKBet? Ang platform ay maraming kakaiba at well-designed na mga laro na mag-aalis ng iyong mga takot.