
Ang Tunay na Kahulugan ng Pagsusugal
Kung titignan ang salitang “pagsusugal,” mayroong itong negatibong kahulugan na kinasasangkutan ng pagkasira ng pinansyal na estado at adiksyon. Subalit, ito lamang ay ang ‘tip of the iceberg,’ kumbaga. Dito, ating titignan ng maigi ang salita upang maintindihan pa lalo ang nais nitong itukoy.
‘Kahulugan’ ng Pagsusugal
Ang salita, kung ang simpleng kahulugan lang, ay napakadaling unawain. Ang pagsusugal ay ang pagtaya ng isang bagay na mahalaga, kadalasa’y pera, at umasa na magkakaroon ito ng tubo. Maari itong pagtaya sa magiging resulta ng isang laro, paligsahan, o sa paglalaro ng isang land-based o online platform tulad ng OKBet.
Sa pagsusugal, ang mga mananaya ay umaasa lamang sa kanilang swerte (at minsan ay istratehiya). Pangkaraniwang mga games of chance ay may dice toss, roleta, o minsan naman ay card games tulad ng poker o blackjack.
Maigsing Kasaysayan ng Pagsusugal
Sa katunayan, ang pagsusugal ay matagal nang ginagawa simula pa noong unang panahon, mga 3000 BCE na ang nakakaraan. Ang aktibidad na ito ay nabanggit kahit sa Bibliya, kung saan ang pinakaunang uri ng paglalagay ng taya ay sa pamamagitan ng casting lots (o pagbato ng mga knucklebone) upang maghati ng ari-arian.
Kahit noong pagpako kay Hesu Kristo kung saan ang mga Roman guards ay nag-cast ng lots upang piliin ang kasuotan ng ipinakong Anak ng Panginoon. Subalit, nabanggit na rin naman sa apat Gospels na ang casting lots ay hindi considered na isang sugal kundi isang paraan upang makagawa ng desisyon.
Drawing of Wood
Ang pinakaunang ebidensya ng pagsusugal ay nagmula sa Ancient China bandang 2300 BC kung saan ang mga sinaunang Tsino ay may tiles, na tila parte ng isang lottery. Mayroon ding natagpuang mga keno slips noong 200 BC na pinaniniwalaang nagpondo sa mga proyekto ng bansa. Marahil may naiambag din ito sa pagpapatayo ng Great Wall of China.
Dice Games
May dice na natagpuan sa isang Egyptian tomb na nadiskubre na mula pa noong 3000 BC. Sa kabilang banda, napatunayan naman ng mga mananalaysay na ang mga Ancient Greeks and Romans ay nahumaling sa dice games kahit na ito ay ipinagbabawal. Pero dahil sa pagbabawal na ito ay naging mapamaraan ang mga Romans at inimbento nila ang gambling chips para sila’y mapawalang-sala sa oras na sila ay mahuli.
Cards
Noong ika-siyam na siglo, ang pinaka-unang playing cards ay natagpuan sa Tsina. Samantala, noong 1400s lamang naimbento ang Baccarat sa Italya. Ito ay isang two-player card game na umakit sa mga Italyano at naging laganap na ran sa buong Pransya.
Ang Blackjack, sa kabilang banda, ay naimbento lamang taong 1600. Subalit, kagaya rin ng ibang sugal, ang tunay nitong pinagmulan ay nakalimutan na.
Italya, ang Pinagmulan ng mga Casino
Sa simula ng ika-17 na siglo, binuo ng Italya ang kauna-unahang bahay-sugalan. Itong mga etablisyimento gaya ng Ridotto sa Venice ay naging pugad para sa isang kontroladong pagsusugal sa kalagitnaan ng kaguluhan na hatid ng mga karnabal.
Nagkaroon din ng mga casino sa buong Europa pero ito ay nasa ika-19 na siglo na. Kasabay din nito ang pagsulpot ng mga impormal na bahay-sugalan sa Estados Unidos.
Ang buhay ay isang sugal
Kung tutuusin, tayong mga tao ay araw-araw na nagsusugal. Paano tayo mamuhay ay maari na ring ituring na sugal.
Ang ating mga pinili, mga daang tinahak, at mga desisyon ay walang kasiguraduhan, gaya ng pagsusugal. Buong sangkatauhan ay eksperto na sa tinatawag na game of chance lalo na pagtungtong ng hayskul, o pagsapit ng edad 18.
Sa Pilipinas, bilang halimbawa, kung saan karamihan sa mga Pilipino ay maagang nagtatrabaho dahil sa kahirapan. May ilang maswerteng nakatungtong ng kolehiyo para magkaroon ng magandang kinabukasan, ngunit ang tagumpay ay dedepende pa rin sa performance niya sa school, mga natutunan, at diskarte.
Katulad sa pagsusugal pero ang kaibahan ay isinusugal mo ang iyong kinabukasan at tagumpay sa pamamagitan ng pagkuha ng isang kurso at umasa na ito ang magdadala sa iyo sa karangyaan. Magkatulad din ang buhay at paglalaro ng games of chance dahil pareho ang dalawa na trial and error, kung saan ang isang indibidwal ay ginagamit ang kanyang mga pagkakamali upang matuto’t magtagumpay.
Puno ng panganib ang buhay
Ang pagsusugal ay delikado at may kaakibat itong kahihinatnan. Kung ating iisipin, ang buhay ay ganoon din. Tayo ay gumagawa ng mga aksyon at lasapin ang magiging bunga (masama man o mabuti) mamaya.
Marami ang gustong magkatotoo ang kanilang inaasahang resulta. Pero ang buhay, gaya ng pagsusugal, ay hindi laging ibibigay ang iyong gusto. Kaya kung tutuusin, buong buhay na tayong pumupusta para lamang makamit ang ating mga pangarap at maging matagumpay sa buhay.
So bakit tayo nagsusugal?
Isipin mo, nagsusugal ka na sa buhay, pero bakit marami pa rin ang nagwawaldas ng kanilang pera para makapaglaro sa mga casino?
Ang simpleng sagot diyan ay: upang makatakas. Ang pagsusugal ay isang uri ng entertainment na may layuning ilayo ang isang tao sa maka-mundong mga problema kahit na posible rin itong magbigay ng isa pang sakit ng ulo. Subalit habang ito ay isang double-edged sword, mayroong itong value—sa pamamagitan ng pera—upang kahit papaano ay maibsan ang sakit na maari nitong malikha.
Oo, ang mga tao ay nakikita ang pagsusugal bilang isang hindi patas, sinungaling, o kahit na anong negatibong salita, pero hindi sa pagtatanggol, nakakapagdagdag ito ng kulay sa buhay. Ang daan tungo sa pagkasira ng pinansyal na estado ay maaring maiwasan kung ang isang manunugal ay maglalaro ng may pag-iingat at mag-pokus lamang sa pagsasaya.
Sumali sa Mundong Puno ng Saya Kasama ang OKBet
Habang ang tunay na kahulugan ng pagsusugal ay naipaliwanag na, oras na para sa mga manlalaro na maghanap ng mapagkakatiwalaang online casino platform na may nakakaakit na promosyon. Sumali na sa OKBet ngayon!
BASAHIN: Unethical na Pagsusugal: Mga Dahilang Nag-uudyok sa Casino Cheating