category category Timothy Gacura category category Dec 27, 2023
OKBet Filipino Boxers

Ngayong 2023, ang mga propesyunal na Filipino boxers ay natalo isa-isa. Simula nang magretiro si Manny Pacquiao, ang industriya ng boxing sa Pilipinas ay unti-unting nawawala sa kawalan.

Nitong taon, ilang boksingero lamang ang nakapag-uwi ng titulo, ang mga nakagawa ng bring home the bacon, ika nga. Ang pride ng Bukidnon na si Melvin Jerusalem ang unang salvo ngayong 2023, at nagpaniwala sa marami na ito ay isang magandang panimula para sa Philippine boxing. Ito ay matapos na masungkit niya ang World Boxing Organization (WBO) minimumweight champion nang talunin ang dating kampeon na si Masataka Taniguchi.

Ngunit, apat na boksingero ang natalo sa kani-kanilang mga laban sa People’s Fighters, dalawang buwan matapos manalo si Jerusalem. Knocked out ni Jadier Herrera si Harmonito dela Torre, talo sa unanimous decision si Elmo Traya kontra Abdul Azizi Ssebulime, napatigil din ni Dayan Gonzaelez si Alie Laurel, at si Adam Diu Abdulhamid ay ginapi ni Jesus Gamboa.

Sinubukan naman ni John Riel Casimero na ibalik ang dangal ng Pilipinas nang siya’y manalo. Tinalo niya si Filipus Nghutimbwa via unanimous decision. Subalit ang kanyang redemption ay mabilis ding nawala nang magkaroon ng Draw kontra kay Yukinori Oguni.

Si Marlon Tapales naman ay naka-slate na maging redeemer nang hamunin si Naoya Inoue sa isang unification match nitong Disyembre. Subalit, isa siyang underdog sa laban, at maging ang mga boxing enthusiasts at oddsmakers gaya ng OKBet ay pinapaboran ang undefeated na Hapon.

Kumpiyansa naman si Tapales na siya ang makakapagbigay kay Naoya ng ng unang talo sa karera nito. Sinabi rin niya na handa siyang harapin ang kampeon, at looking forward siya na gumawa ng kasaysayan at maging kauna-unahang Pilipino na pagsamahin ang WBA, IBF, WBC, at WBO na mga titulo.

Panalo ang Favorite

Karamihan sa mga boksingero na Pilipino ay mga underdogs sa kani-kanilang laban, at hindi naging exception si Tapales. Kung tutuusin, ang kalaban niya ay walang katalo-talo, malakas, at fundamental na fighter gaya ni Inoue.

OKBet Filipino Boxers

Disyembre 26, 2023. Ito ang petsa kung saan ang “Nightmare” ay kanyang isinuko ang WBA at IBF na mga titulo sa Monster ng Hapon. Hindi niya kinaya ang mga suntok ng kalaban. Bagama’t nakadepensa, tila hindi sinasalag ng Pilipinong kampeon ang mga power shots, jabs na tumatama sa kanyang mukha at katawan.

Sa ika-sampung round, tinamaan si Tapales ng dalawang malaking kanan na nagpatumba sa kanya. Kahit na may pusong kampeon ang Pinoy, sumuko na siya sa lakas ng kalaban, at hindi na umabot sa bilang bago siya makatayo.

Nilamon si Nightmare ng Monster, pero kailangan pa rin nating bigyan ng credit ang Pinoy dahil muntik na niyang i-push si Inoue sa scorecards (kahit na hindi naman na ito mahalaga lalo na’t lamang sa puntos ang Hapon).

Sa halip na ang Pinoy ang nag-unify ng mga titulo, si Inoue ang naging undisputed two-weight na kampeon.

Isa na namang Tagtuyot sa Titulo?

Noong 2022, ang Pilipinas ay nakaranas ng tagtuyot sa titulo pagdating sa boksing. Mula kay Nonito Donaire Jr hanggang kay Mark Magsayo, bumabagsak isa-isa ang Pilipinong kampeon. Kahit na paano’y nasira ni Jerusalem ang sumpa nang simulan niya ang 2023 ng isang kampeonato, mukang mauulit itong taon sa huli. Subalit, ang mga Pilipino ay matatag, at ang malamyang sandali na ito ay hindi magtatagal, gaya na lang na paniniwala ng MP Promotsions spokesperson Seaon Gibbons, na pagmamay-ari ni Pacquiao:

“It’s a cycle. We’re in a lull at the moment, but it won’t be long. We went through the same phase after Gabriel Elorde retired in the late 1960s. We had a similar good run in the 1960s. Then came the lull after Elorde’s reign.”

Maaring isang title drought ito, pero kapag nag-register ka sa OKBet, walang tagtuyot sa mga panalo! Mag-register na ngayon!

BASAHIN| Pagtaya sa MMA: Ang Iyong Komprehensibong Gabay sa Online Sportsbooks