category category TJ category category Dec 16, 2022
OKBET Brazil talo sa World Cup nawalan pa ng coach

Talo ang Brazil sa 2022 FIFA World Cup laban sa Croatia sa quarter nito lamang Biyernes, Disyembre 10, at sinabayan pa ito ng kanilang coach na si Adenor Leonardo “Tite” Bacchi.

Si coach Tite ang manager ng Seleção sa loob ng anim taon. Kanya ring naranasan ang parehas na pagkatalo sa pamamagitan ng Belgium noong 2018 FIFA World Cup.

Sa loob ng pagsisilbi niya bilang head coach ng Brazil ay nakapagbigay naman siya ng ika-siyam na Copa America sa bansa. Siya rin ang tumapos sa tagtuyot na kanilang naranasan sa naturang liga.

Pero ngayong tapos na ang kanilang laro sa World Cup, natapos na rin ang siklo ni Tite.

“The cycle has ended, and I keep to my word. Other great professionals can replace me. When their (Croatia’s) goalkeeper (Dominik Livaković) is the best player on the field, the game is talking to you. We had to be more effective in making goals

“But did Brazil show their best? Overall, yes. I understand that I am the most responsible, but we are all responsible for the loss. It’s not about being a hero or a villain. There is no such thing in sports.

“Sometimes we have a great performance, we shoot at goal, and the ball deviates. That’s normal. But I can respect the result. The loss hurts, but I’m at peace with myself right now,” saad niya.

Matatandaan na noong Pebrero ay nakapagpasya ang 61-year-old coach na magretiro na—talo man o panalo ang Brazil sa World Cup—at maghanap ng “ibang challenge.”

Bago maging isang head coach ay naging manlalaro ng Caxias si Tite simula 1978 hanggang 1984. Nakapaglaro din siya para sa Esportivo de Bento Gonçalves ng isang season bago maging miyembro ng Portuguesa.

 

OKBET Brazil talo sa World Cup nawalan pa ng coach

 

Sinisi si Tite ng Fans

Ang Brazil ay may lamang na isang puntos sa nalalabing 117 minuto ng laro. Subalit nakapuntos ang Croatia, dahilan upang magkaroon ng penalty shootout.

Napagdesisyunan ni Tite na sa panlimang penalty kick gagamitin si Neymar. Subalit hindi na ito natuloy matapos magmintis sina Rodrygo at Marquinhos.

Dahil sa pangyayari ay napuna ang Brazilian coach. May isa pang TV host na tinawag siyang “donkey” o buriko.

Paliwanag naman niya, sadya niyang pinang huli si Neymar dahil ito lamang ang player na may mentalidad na makapuntos sa napaka-pressured na punto ng laro.

“There is more pressure, and players who are mentally prepared are best to take it,” sabi nito.

Basahin: Naoya Inoue Mananalo Kaya Kay Paul Butler?