
Ang Camp Randall Stadium, na itinayo sa Madison, Wisconsin, ay isang monumento sa saganang kasaysayan ng college football. Simula nang ito’y maitayo, ang stadium ay natunghayaan ang mga makapanindig-balahibong panalo, masasakit na pagkatalo, at ang hindi matatawarang enerhiya na bumabalot sa mga matatandang dingding nito.
Ngunit ang k’wento nito ay may kakaibang twist—isang nakakakilabot na presensya ang umiintriga at tumatakot sa mga bisita sa loob ng maraming taon. Ating pag-usapan ang nakakaakit na kasaysayan ng Camp Randall Stadium at tuklasin ang nakakatakot na mga k’wento na nakapalibot sa reputasyon nito.
Ten-Hut!
Bago ang Camp Randall Stadium ay naging tahanan ng University of Wisconsin’s football team, ang Badgers, ay mayroon itong madilim na nakaraan.
Noong American Civil War noong 1861, ang lugar ay nagsilbing barracks at training ground para sa mga Union soldiers.
Ngunit ang digmaan ay palaging mayroong kapalit. Ang mga prisoners of war ay siniksik sa stadium, kasama ng 70,000 na mga sundalo na nagsasanay. Dahil sa dami ng kanilang nahuling mga kalaban, at pinagsiksikan sa napakasipik na pasilidad, malapit nang magkaroon ng sakuna sa Camp Randall.
Sa loob lamang ng ilang linggo, mga viruses at sakit ay lumaganap sa loob ng kampo na mayroong 1,200 na mga nakakulong. Nasa 140 na kalalakihan ang pumanaw sa loob lamang ng napakaigsing panahon nang stadium na naging prison/army camp.
Ang mga nasawi ay inilbang sa kalapit na sementeryo. Bukod pa sa mga pumanaw na mga sundalo, mayroon ding nasa 339 na hindi markadong mga libingan, lapida, pati na ang isang desecrated na Native American holy ground.
Naging hotspot para sa paranormal ang lugar dahil sa dami ng mga sundalong namatay (kasama na ang mga hindi namarkahan). May ilang mga tao ang nakaranas ng mga sakit sa ulo sa tuwing lumalapit sila sa military burial plots. Mayroon ding mga kuwento kung saan nasaksihan nila ang mga sundalo, na balot na balot nang mga Civil War na mga uniporme at hospital dressings na nagmumulto sa lugar.
Nakakapagtaka rin na ang mga espiritu ay masiyadong aktibo sa umaga ng mga laban, at ang mga tailgaters ay nagsasabi na nakakakita sila ng mga multo na gumagala sa palibot ng stadium.
Kahit na ang head security ng Camp Randall Stadium ay may sariling k’wento ng katatakutan. Habang siya ay nagpa-patrol sa lugar, nakakita siya ng isang Confederate na sundalo na naglalakad sa isang silid. Nang kanyang habulin at maabutan, bigla na lamang itong nawala.
Ang Babaeng Nakaputi
Kung sa Pilipinas ay mayroong sikat na White Lady na namamalagi sa Balete Drive, ang Camp Randall ay mayroong ding ganoong klaseng entity.
Ayon sa marami, ang babaeng nakaputi ay madalas na nagpapakitang naglalakad sa Forest Hill Cemetery suot-suot ang isang malaking hoop dress.
Pinaniniwalaang kanyang pinagluluksa ang isang tao o isang bagay, at marami ang naniniwala na ito ay ang multo ni Alice Waterman.
Si Waterman ay iang hotel manager na inalagaan ang mga lapida ng 140 prisoner of war ng American Civil War. patuloy niya itong ginawa hanggang sa kanyang pagpanaw taong 1897. Siya ay nakahimlay sa tabi ng libingan ng mga kalalakihang kanyang inalagaan.
Ghost Buddies
Noong mga simula ng 2000s, isang undergrad student ang inilibot ang bente-anyos na kapatid ng kanyang kaibigan sa unibersidad. Nagsasaya sila habang tinitignan ang arkitektura at kapaligiran. Subalit, naputol ito nang sila ay mapatigil sa estatwa ng dating American President na si Abraham Lincoln. Sobrang takot na takot ang kapatid na babae, at pinilit ang kaibigan na sila’y agad umalis sa lugar.
‘Yun pala, nakakakita diumano ito ng dalawang ulo sa likod ni Lincoln. Ang nakakatakot pa rito ay ang mga lumulutan na ulo ay ngumiti sa kanya. Marami ang naniniwala na ito ay mula sa dalawang lalaki na nakalibing sa ilalim ng estatwa.
Pangwakas
Habang mayroong mga paranormal encounters sa Camp Randall Stadium, mayroong mga hindi naniniwala sa mga pagpaparamdam na ito at sinabing ito ay dahil sa “Stone Tape Theory.” Sinasabi ng teoryang ito na ang multo ay resulta lamang ng pag-iisip matapos ng mga trahedya. Hindi sila mga espiritu, kundi mga enerhiya na dala ng mga hindi magandang nangyari sa lugar.
Pero kung naghahanap ka ng magpapasaya at mag-aalis ng iyong stress, subukang maglaro sa isa sa mga pinakamagandang online gaming platform sa Pilipinas, ang OKBet! Magparehistro na rito.