category category TJ category category Nov 25, 2022

Bagsak ang Brazillian forward na si Neymar Jr dahil sa isang ankle injury sa kalagitnaan ng laban nila kontra Serbia nito lamang Biyernes, Nobyembre 25, at iniwan ang opensa kay Richarlison de Andrade para sa kanilang unang laban sa FIFA World Cup na ginanap sa Qatar.

Sa kabila ng kanyang pagkawala, nanalo naman ang kanyang koponan. Ang iskor: 2-0.

Base sa mga ulat na nakalap ng OKBET, ang trenta-anyos na si Neymar ay siyam na beses na nakatanggap ng foul dahil sa pamimisikal ng mga Serbiyano. Sa ika-80th na minuto, bagsak si Neymar matapos na banggaain ng Serbian player na si Nikola Milenkovic.

Samantala, wala namang nagawa si Brazillian head coach Tite kundi ilabas si Neymar at ipalit si Antony Matheus dos Santos.

Ipinaalam ng team doctor na si Rodrigo Lasmar sa media na ang injury ng manlalaro ay kanila pang oobserbahan sa loob ng 24 hanggang 48 oras.

“Neymar has an injury on his right ankle, a direct trauma. Due to the impact from the knee of the Serbian player, we started immediate treatment on the bench,” sabi ng doktor sa panayam ng media.

OKBET Neymar injured kontra sa Serbia

“He continues with the physio but now needs to wait 24 to 48 hours for a better assessment. There is no MRI scan scheduled, but tomorrow we will make a new assessment. We need to wait and cannot make any premature comments,” saad pa ni Lasmar.

Nito lamang natapos na season kung saan si Neymar ay naglalaro para sa Paris Saint-Germain (PSG), nagtamo rin siya ng ankle injury na siyang naging dahilan upang hindi makalaro sa 12 na matches.

Bagsak si Neymar? Brazil coach tiwala na makakalaro pa rin ito

Hindi naman nawalan ng pag-asa si Brazil head coach Adenor Leonardo Bacchi na malalagpasan ni Neymar ang kanyang injury. Ayon pa sa kanya, tiwala siyang makakapaglaro ang kanyang forward sa mga susunod pa nilang laban.

“He stayed for the two goals we scored, even feeling his ankle injury because the team needed him. In the two chances and the chance he was in, which [was decisive], his ability to overcome pain. In both goals, he was already feeling it.

“You can be sure that Neymar will play [in] the World Cup. I am absolutely sure about that. He will play in the World Cup,” sabi niya pagkatapos ng laro.

Matapos talunin ang Serbia, Kakalabanin naman ng Brazil ang Switzerland sa Lunes. Magkikita naman sila ng Cameroon sa susunod na Biyernes para sa kanilang huling group stage match.

 

Magbasa pa: OKBET World Cup Qatar 2022