Marami sa mga fans ng Chicago Bulls ang nag-akalang magiging maganda ang takbo ng 2022-23 season. Natapos silang sixth sa Eastern Conference at nagawa nilang mapapayag si Zach LaVine na manatili sa Chicago nang limang taon. Inisip ng marami na ipagpapatuloy lamang nila LaVine and DeMar DeRozan ang maganda nilang laro last seaon.
Ngunit walang nag-akalang mahihirapang ulitin ng Chicago ang tagumpay na natamasa nila last season. Kasalukuyang wala sa top seeds ang Bulls, at ito’y ikinagulat ng kanilang fans at ng mga OKBET players. mukhang malabo rin nilang marating ang rurok ng Eastern Conference kung wala silang babaguhin sa kanilang laro.
Ang injury ni Lonzo Ball ang isa sa mga tinuturong dahilan kung bakit hikapos maka-iskor ang Chicago Bulls ngayong season. Siya ang pinakamagaling nilang playmaker at perimeter defender. Dahil wala pang malinaw na timeline sa kanyang pagbabalik, mas maigi nang isipin ng Bulls fans na baka sa Pebrero na siya makalaro uli.
Ngunit kita ng mga nanood ng Bulls games ngayong taon na ang kawalan ng chemistry sa pagitan nila LaVine at DeRozan ang pinakamalaking dahilan ng kanilang pangit na win-loss record.
Halos pareho ng inookupang espasyo sa floor ang dalawang wing player. Dahil dito, nagkakaroon ng spacing problems ang Chicago. Ginagamit ng kanilang mga bantay ang problemang ito upang pigilan silang maka-iskor.
Kinlaro ni LaVine kay nila Shams Charania at Darnell Mayberry ng The Athletic na ginagwa niya ang lahat upang tulungan ang Bulls manalo. Lumalakas rin ang pressure kay Billy Donovan at kanyang coaching staff na magawan ng paraan ang kanilang mga pagkukulang.
LaVine, Interesadong Lumipat sa Lakers
Dahil sa mga isyu ng Bulls sa court, napabalita na ring may hindi pagkakaunawan ang Bulls organization at si LaVine. Dahil dito, maraming nag-iisip na maaaring lumipat ng team si LaVine sa hinaharap. Isa sa mga paboritong destinasyon diumano para sa kanya ang Los Angeles Lakers.
Nag-aral si LaVine sa UCLA kaya pabor sa kanyang bumalik sa Tinseltown. Kaagad rin siyang masasama sa isang malakas na team dahil magiging kagrupo niya sila LeBron James at Anthony Davis.
Samantala, magkakaroon ng magandang pagkakataon ang Bulls na mag-rebuild o bumuo ng mas malalim na bench para sa kanilang koponan. Malabong bigyan nila ng panibagong kontrata si Russell Westbrook, kaya magkakaroon sila ng pera gumalaw sa parating na offseason.
Basahin pa: Lionel Messi, Balak Pang Maglaro Para sa PSG