Magandang balita para sa mga Gilas Pilipinas fans ng OKBET: magtututok na si Chot Reyes sa men’s national basketball bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa paparating na FIBA World Cup na gaganapin sa Pilipinas, Japan, at Indonesia sa 2023.
Ang beteranong coach ng TNT Tropang Giga na nagdala sa Gilas program papuntang Espanya para sa 2014 FIBA World Cup ay bahagi ng magiging coaching shuffle para sa mga PBA team ni Manny V. Pangilinan.
Ayon sa ulat ni Homer D. Sayson para sa SPIN.ph, papalitan si Reyes ng kasalukuyang Meralco Bolts Coach coach na si Norman Black. Mapo-promote si Luigi Trillo bilang head coach ng Bolts.
Ang pinakabagong coaching shuffle na ito ay bahagi ng mga taktika ng MVP Group na maging matagumpay ang kanilang mga basketball ventures. Wala ang ni isa sa mga teams ni MVP ang nakapasok sa playoffs ng PBA Commissioner’s Cup, kaya magandang pagkakataon ito para sa MVP bloc na ayusin ang gusot sa Gilas Pilipinas.
Maganda ang performance ng Gilas Pilipinas sa pinakahuling international window. Nanalo sila sa magkasunod na laro kontra Jordan (74-66) at Saudi Arabia (76-63). May mga Gilas fan na ring nakapansin na unti-unti nang gumaganda ang flow ng opensa ni Coach Chot.
Sila Kai Sotto at CJ Perez ang mga manlalarong naging maganda ang performance noong huling qualification window. Samantala, hirap naman gumawa si Dwight Reyes sa laro nila kontra Jordan.
Dalawang UAAP Star ang Possibleng Maglaro Para sa Gilas
Ayon kay Reyes, dalawang star UAAP players ang possibleng mabigyan ng callups para suotin ang Gilas uniform.
Sila Jerwin Lastimosa ng Adamson Soaring Falcons at Schonny Winston ng De La Salle Green Archers ay maaaring bigyan ng pagkakataon ni Chot maglaro sa Pebrero kontra Lebanon at Jordan.
Ani Chot, pinag-iisipan niyang bigyan ng invites ang dalawa pagkatapos niya kausapin ang kanyang coaching staff.
Magiging malakas na dagdag sa Gilas program ang dalawa dahil sa mga pinakita nilang play sa UAAP Season 85. Si Winston ay nag-average ng 21.3 points, 6.1 rebounds, at 3.6 assists bago siya ma-injure. Hindi naman nalalayo ang produksyon ni Lastimosa (14.8 points, 4.3 rebounds, at 3.9 assists) na nakatulong dalhin ang Adamson sa Final Four.
Basahin pa: Jonathan Kuminga Umarangkada Para Sa Warriors