category category TJ category category Dec 9, 2022

Hirap pa rin makahanap ng consistent form ang Golden State Warriors kontra sa mga koponan sa Western Conference. Ngunit sa kabila ng kanilang paghihikahos kontra sa kanilang mga ka-Conference, nabibigyan ng pagkakataon ang mga manlalarong gaya ni Jonathan Kuminga.

Isa ang batang wing player ng Dubs sa mga nagdala sa kanilang koponan sa kanilang pagkatalo kontra sa Utah Jazz kamakailan lang. Nagtala siya ng season-high 24 puntos, 5 rebounds, 4 assists, 1 steal, at 1 block kontra Jazz. Maganda rin ang shot selection na pinakita ng ikapitong overall pick ng 2021 Draft, patunay ng kanyang 10-13 FG percentage.

OKBET Jonathan Kuminga

Nagbigay ng saya sa mga manlalaro ng OKBET na Warriors fans si Kuminga. Maraming napaisip na hindi magiging competitive ang laro ng Dubs kontra Jazz. Hindi nakapaglaro sila Stephen Curry, Draymond Green, at Andrew Wiggins dahil sa iba’t-ibang injuries. Habang hindi ganoong kaiinit ang laro ng Jazz, kaya pa rin nilang manalo kung wala ang tatlong key player ng Warriors.

Ngunit hindi lamang ang laro ni Jonathan Kuminga ang agaw-pansin sa laban nila. Nagkaroon ng gitgitan sa pagitan ni Kuminga at ng Fil-Am Jazz player na si Jordan Clarkson. Mahigpit ang depensa ni Kuminga sa Gilas Pilipinas guard, na nagtapos nang may team-high 22 points. Pagkatapos mabutata ni Kuminga si Clarkson, agad namang finoul ang wing. Nagkainitan at nagtulakan ang dalawang manlalaro habang pumagitan ang kanilang mga teammate sa kanilang dalawa.

Na-eject si Clarkson sa laro dahil natawagan siya ng Flagrant 2 foul. Buti na lamang at nagawang maidakdak ni Simone Fontecchio ang game-winning points upang matalo ang Warriors.

Bumaba ang production ni Kuminga kung ikukumpara sa kanyang rookie season. May igaganda pa ang kanyang season averages na 6.5 points, 3.0 rebounds, at 1.0 assists. Possibleng mabigyan pa si Kuminga ng mas maraming playing time pagkatapos ng larong ito.

Mitchell Natawa sa Ginawa ni Clarkson

Natawa umano si Kuminga dahil sa pinakitang galit ni Clarkson. Ani Kuminga na wala siyang karapatang magalit dahil siya ang naunang mang-foul.

Natawa rin ang dating teammate ni Clarkson na si Donovan Mitchell. Nagpost si Mitchell ng nakatatawang gif sa kanyang Twitter, kinukumpara si Clarkson sa ginawa ng tao sa gif. Walang nagawa si JC kundi tumawa sa reaksyon ng dati niyang ka-team.

Kasalukuyang namamayagpag sila Mitchell at Clarkson sa kanilang mga koponan. Mainit ang simula ni Spida para sa Cleveland Cavaliers, kung saan nag-aaverage siya ng 29.0 points, 4.0 rebounds, 4.9 assists, at 1.5 steals. Si Clarkson naman ay may career-high averages sa points (19.8) at assists (4.9).

Basahin pa: MPBL Finals: Gabi ni Gabo Para sa Nueva Ecija