category category Timothy Gacura category category Dec 28, 2022

Kung tinanong mo si Lionel Messi sa susunod niyang football club bago magsimula ang World Cup, maaaring wala kang narinig na sagot. Nakatutok ang kanyang utak sa FIFA World Cup noong mga panahong iyon. 

Maliban dito, 35 anyos na rin si Messi. Maraming napapaisip kung kaya pa ba ni Messi maglaro sa isang liga na katulad ng Ligue 1 sa kanyang edad. Dahil sa mga dahilang dito, may mga fans at OKBET football expert na nag-isip kung aalis na siya ng PSG kapag matapos ang kanyang kontrata.

Subalit mukhang nagbago ang hangin pagkatapos mapanalunan ni Messi ang FIFA World Cup sa Qatar. Ibinalita ng Goal.com na nangako na di umano si Messi sa PSG na babalik siya sa team para sa 2023/24 season.

OKBET Lionel Messi

Sinasalungat ng balitang ito ang mga tsismis na lilipat na raw si Messi ng MLS. Interesado raw ang Inter Miami na pagmamay-ari ni David Beckham sa pagbibigay ng kontrata sa kanya.

Nilinaw ng Les Parisiens na wala pang pinipirmahang bagong kontrata ang kapitan ng Argentina national football team. Ngunit magandang balita pa rin ito para kay Christophe Galtier, sa PSG team, at sa mga fans na gustong manatiling PSG player si Messi.

Pinakita ni Messi sa kanyang laro na kinailangan lang niya ng panahong masanay sa paraan kung paano maglaro ang PSG. Kasalukuyan siyang may pitong goals at sampung assist sa Ligue 1 para sa Les Parisiens ngayong season. Nakapagtala rin siya ng apat na goals at apat na assist sa apat na Champions League matches na nalaro niya.

Kailangan ng PSG na gumawa si Messi sa Europa dahil makakaharap nila ang Bayern Munich sa unang knockout round. Kasama sila Neymar at Kylian Mbappe, gagawin niya ang lahat upang malampasan ang Bayern.

Si Messi ang GOAT ni Pep Guardiola

Maraming nagpaulan ng papuri para kay Lionel Messi pagkatapos niyang maiwui ang World Cup sa Argentina. Si Pep Guardiola ang isa sa mga pinakabagong tagahanga na naglagay kay Messi sa GOAT conversation.

Sinabi ni ng kasalukuyang Manchester City head coach sa isang press conference na tinuturing niya si Messi na isa sa mga pinakamagagaling na football player na nakita niya. Inamin niyang may iba’t-ibang opinyon man ang mga tao sa kung sino ang GOAT. Subalit para sa kanya, hindi nila maitatanggi na sapat na ang narating ni Messi para mapabilang sa usapang iyon.

Dating naglaro si Messi para kay Pep noong naging manager siya ng Barcelona mula 2008 hanggang 2012. Marami silang naipanalo para sa Barca. Kasama sa kanilang napanalunan ang tatlong La Liga titles, dalawang Copa del Rey, dalawang Champions League titles, and dalawang Club World Cups.

Basahin pa: