Isa ang Los Angeles Lakers sa mga pinakasikat na NBA team sa Pilipinas. Marami silang mga tagahanga dito at sa buong mundo na sumusubaybay sa team tuwing mayroon silang laro. Nakatulong rin na naging champion ang Lakers sa tulong nila LeBron James at Anthony Davis noong 2020.
Maraming nag-akalang magiging simula ng isang panibaong Lakers dynasty ang kanilang kampeonato sa NBA bubble. Subalit sinundan ang kampeonatong ito ng dalawang magkasunod season kung saan hindi sila nakatungtong sa playoffs. Pangit rin ang naging simula nila sa 2022-23 season kung saan nagtala sila ng 1-9 record sa unang sampu nilang laro.
Naging malaking palaisipan sa marami—kabilang na ang mga manlalaro ng OKBET—kung bakit nagkaganito ang Lakers. Magbasa upang maintindihan kung bakit biglang nanghina ang Lakers pagkatapos ng kanilang 2020 championship. Magbibigay rin ako ng mga posibleng gawin ng Lakers sa hinaharap.
Bumabagal na si LeBron James
Para sa ibang basketball fans, bahagi na si LeBron James ng NBA mula noong sila’y magkaroon ng malay. Hindi maipagkakaila na gagamitin ang husay ni James maglaro sa puntong ito ng kanyang karera bilang dahilan kung bakit siya ang pinakamagaling na basketball player sa kasaysayan.
Ang kanyang kalusugan ay kitang-kita sa stat sheet. Sa unang 17 taon niya sa NBA, hindi lamang siya nakapaglaro ng mas kakaunti sa 20 games kada season. At ang kanyang minutes per game ay napakataas rin: si LeBron ay nakababad ng 38 minutes kada laro.
Ngunit hindi maipagkakaila ng mga tagahanga ni James na nararamdaman na ng kanyang katawan ang pago ng mahigit 20 taon ng paglalaro sa liga. Apatnapung-limang laro lamang ang nalaro ni James noong 2020-21 season para sa Los Angeles Lakers.
Gumanda naman nang bahagya ang kundisyon ni James sa sumunod na season dahil nakapaglaro siya ng 56 games. Bumaba ang MPG niya noong dalawang taon na ito (36). Na-miss rin ni LeBron ang ibang laro ng Lakers ngayong taon.
Magiging problema para sa Lakers ang kalagayan ni James kung gusto nilang mabuhat muli ang Larry O’Brien trophy. Napakalaking bahagi si James ng kanilang opensa, at ang kanyang kundisyon ay magiging susi kung mararating ba nila ang Finals o hindi.
Madalas na Injured si AD
Si Davis ang naging susi para manalo ang Lakers sa NBA Bubble. Naging mahalaga ang kanyang scoring at depensa upang malampasan ng Lakers ang Miami Heat sa anim na laro.
Nabangko nang matagal si Davis pagkatapos ng kanilang 2020 championship dahil sa kanyang injury history. Nabangko siya nang 88 games sa nakaraang dalawang season.
Habang maganda naman ang per-point averages niya noong mga panahong nakakapaglaro siya (22.5 points, 8.9 rebounds, 3.1 rebounds, 3.1 assists, 1.2 steals, at 2.0 blocks), masakit pa rin sa Lakers na hindi siya nakapaglaro nang maayos.
Wala Silang Third Star
Sinubukan ni LeBron na makahanap ng pangatlong star player na tutulong sa kanila ni Davis na manalo. Bagama’t bigo silang makuha si Kawhi Leonard pagkatapos niya manalo sa Toronto noong 2019, gumawa ang kanilang mga role players upang manalo sa Orlando noong 2020.
Naging halata ang kahinaan ng Los Angeles pagkatapos 2020 season dahil sa mga injury na natamo nila James at Davis. Hindi naging sapat sila Dennis Schroeder at Montrezl Harrell noong 2020-21 season na punuan ang pagkawala ni Davis.
Sinubukan nila kung tatalab ba sa Lakers team na ito si Russell Westbrook noong sumunod na season. Kahit na magaling pa rin siyang basketball player, hindi maganda ang synergy ng kanyang laro sa kung paano tumatakbo ang sistema ng team noon.
Kita mo rin sa estado ng Los Angeles Lakers roster ngayong season na hirap pa rin silang manalo laban sa mga magagaling na kuponan nang walang consistent na third option.
Ano ang Dapat Gawin ng Los Angeles Lakers?
May tatlong bagay na pwedeng gawin ang Lakers kung gusto nilang marating ang NBA Finals. Iba-iba ang magiging epekto ng mga suhestiyon na ito, ngunit ang mga pagpipilian ay para naman sa ikabubuti ng Lakers.
I-Trade si Davis
Isa sa mga maaaring gawin ng Lakers para marating ang Finals ay idaan si Davis sa trade market at maghanap ng star na mas matibay ang katawan at babagay ang laro kay James. Kahit na napakalakas ngayon ni Davis, mahirap para sa Lakers na hindi nila maasahan si Davis na laging maglaro.
Isa sa mga posibleng teams na pwedeng makakuha kay Davis ay ang Toronto Raptors. Maraming batang player na pwede maging anchor ng Lakers kapag umalis na si LeBron sa team.
Gawing Unang Option si Davis
Kahit na mahirap sabihin kung aabot ba sila sa playoffs sa lagay ng team sa ngayon, mahirap itanggi na napakaganda ng ipinapakita ni Davis para sa Purple and Gold. Ang kanyang averages para sa taon na ito (27.7 points, 12.4 rebounds, 2.7 assists, 1.3 steals, 2.2 blocks) ay nalalapit sa peak years niya para sa New Orleans.
Pwedeng gawin ni Darvin Ham na unang option sa kanyang offense si Davis. Kahit na magaling pa ring player si LeBron, kita sa laro ni Davis na mas madadala niya nang malayo ang team sa playoffs kung sa kanya dadaan ang opensa.
Maghanap ng Ikatlong Star
Mahihirapan ang Lakers GM na si Rob Pelinka na maghanap ng pangatlong star na tatambal kay nila James at Davis. Walang may gustong umako ng kontrata ni Westbrook dahil hindi na nababagay ang laro ni Brodie sa kung paano tumakbo ang NBA sa ngayon.
Ngunit kung magawa ni Pelinka ang imposible, maaari silang makaabot ng NBA Finals.
Simulan ang Rebuild
Kung sa tingin ng Lakers front office na wala nang mararating ang kanilang roster, magandang option para sa kanila na i-trade si LeBron at Davis at magsimulang muli. Kailangan pumayag si LeBron para matrade, marami pang pwedeng mangyari sa taong ito.
Kung may tamang panahon para sa Lakers na mag-tank, ngayong taon iyon. Papasok si Victor Wembanyama sa liga sa 2023. Kung sino man ang makakuha ng first overall pick ay makakakuha ng isa sa pinakamagagaling na prospects sa kasaysayan ng NBA.
Basahin pa: Miami Heat Sinampal ng Fine, Sumagot!