category category TJ category category Dec 14, 2022

Mahihirapang basagin ng 2018 World Cup champion France ang depensa ng Morocco dahil dalawa na ang napapatumba nitong European powerhouses.

Ang mga Moroccan ang unang mga African na umabante sa semi-finals — at sa may pasabog. Ito’y dahil una nilang tinalo ang Spain sa Round 16, sa pamamagitan ng penalty shootout. Nanalo ang Morocco sa laban 3-0.

Ang star player nila, si Achraf Hakimi, ang namukadkad nang gabing iyon. Nalampasan niya kasi ang pressure na matalo ang Spain, na kalaunan ay ginawa niya sa pamamagitan ng dink.

Sumunod na biktima naman ay ang Portugal. Ang depensa ng Morocco ang pumigil sa five-time Ballon d’Or na si Cristiano Ronaldo na makamit ang inaasam-asam na World Cup trophy.

 

OKBET Mabasag kaya ng France ang Depensa ng Morocco

 

Ang mga Seleção, gayunpaman, ay natalo sa ibang istilo. Sa ika-42 minuto ng kanilang laban noong Disyembre 10, nalagpasan ni Youssef En-Nesyri ang depensa ng Portugal at naitala ang kaisa-isang goal ng laro.

Samantala, ang iba pa nilang mga naunang kalaban — Croatia, Belgium, at Canada — ay nahirapan ding basagin ang kanilang depensa. Mapalad na nakakuha ng isang puntos ang Canada dahil sa pagkakamali ng isang Moroccaan. Ang Belgium naman ay walang score, habang may tabla sila laban sa Croatia.

Ang depensa ng mga Aprikano ay maaari ding maiugnay sa kung gaano kahusay na pigilan ng kanilang goalkeeper ang kalaban na maka-iskor. Sa kanilang laban kontra Spain, nagawang pigilan ni goalie Yassine “Bono” Bounou ang mga pagtatangka ng mga Espanyol sa pag-iskor. May dalawang save siya sa laban na iyon.

Napanatili rin nilang scoreless ang Portugal noong nagharap sila nitong Sabado. Maging si Gonçalo Ramos, ang manlalaro na pumalit kay Ronaldo bilang starter, ay hindi nakagawa ng kahit isang dent sa depensa ng Morocco. Malaking bagay ito dahil si Ramos lang naman ang naka-iskor ng tatlong beses sa kanilang 6-1 na panalo kontra Switzerland.

Maaari bang Mabasag ng France ang Depensa ng Morocco?

Posible lalo na at kumpara sa Morocco, mataas ang rating ng France, ayon sa sports website na WhoScored. Kung ihahalintulad mo ito sa Moroccans na mayroong 6.72, mas lamang ang mga Pranses dahil mayroon silang 6.88. Sila rin ang pangalawa sa may pinakamagandang depensa sa liga kasunod ng England.

Inaasahan ding ang France ang magwawagi at ookupa sa isang spot sa Finals. Ito ay dahil base sa kanilan statistics, mataas ang opensa ng mga Pranses.

Bago pa nila makaharap ang Morocco ay nakapagtala na ang European powerhouse ng 11 na goals. Sa kabilang banda naman, mayroon lamang na limang score ang mga Apkrikano.

Pagdating naman sa possessions, magdo-dominate din ang France na may 55.2%. Ang kanilang makakaharapa naman ay mayroon lamang 31.6%.

Ang mga Pranses din ang paborito para sa laban na ito. Sa OKBET, ang France ay may mas mababang logro kaysa sa Morocco para sa 1×2 at Handicap.

1×2 Handicap
France 1.53 -1 1.97
Morocco 6.20 +1 1.91
Draw 3.75

Pero hindi dapat makampante. Nakilala na ngayon ang Morocco bilang mga comeback experts matapos na talunin ang Spain at Portugal.

Ano sa tingin mo? Uunahin ba ang Morocco sa Finals, o ang paborito na lang ang pupunta?

Basahin: Naoya Inoue Mananalo Kaya Kay Paul Butler?