category category TJ category category Dec 7, 2022

Punung-puno ng ingay ang Nueva Ecija Coliseum para kay Hesed Gabo matapos niya at ng Nueva Ecija Rice Vanguards talunin ang Zamboanga Family’s Brand Sardines sa Game 1 ng OKBET-MPBL Finals noong Disyembre 2.

OKBET MPBL Finals

Naging malakas ang hiyawan ng mga Nuevacijano dahil sadyang dikit ang laban sa pagitan ng dalawang pinakamalakas na team sa buong liga. Nagsimulang mainit ang kamay ng Zamboanga matapos nilang makaiskor ng anim na puntos sa loob ng dalawang minuto habang nag-iimplementa ng mahigpit na depensa sa Nueva Ecija.

Di kalaunan, nahanap din ng Rice Vanguards ang ring at nagkaroon ng 11-0 scoring run. Nanatiling mahigpit ang laro sa buong first half dahil sa higpit ng depensang pinatakbo ng dalawang team.

Nag-iba ang ihip ng hangin sa Coliseum noong dalawang minuto na lang ang nalalabi sa ikatlong quarter. Salamat kay nila William Bill Jr. McAloney, Christopher Bitoon, at Michael Mabulac, pumasok ang Rice Vanguards sa huling quarter na lamang, 48-56.

Mabilis namang binura ng Zamboanga ang lamang salamat kay Jayvee Marcelino na nagtala ng 11 puntos. Tensionado ang mga manonood dahil hindi na nila masabi kung sino ang kukuha ng Game 1.

Biglang umarangkada si Gabo sa huling dalawang minuto. Mistulang lumaki ang ring noong naipasok niya ang three-point shot na nagsiguro ng panalo ng Rice Vanguards. Tinapos niya ang larong may 22 points, 6 rebounds, at 6 assists; 10 sa puntos niya ay nakuha niya sa huling dalawang minuto ng laban.

Hindi Mapigilan ng Zamboanga ang Tres ni Villarias

Muling pinakita ng Nueva Ecija sa Game 1 kung bakit sila ang MPBL North Division champions dahil sa galing nilang umiskor mula sa three-point line. Nai-shoot nila ang pito sa 19 nilang three-point attempts, kabilang dito ang dagger three ni Gabo. Walang nagawa ang Zamboanga defense kay John Byron Villarias na nakapagtala ng limang three-point makes.

Samantala, hirap na hirap gumawa mula sa tres ang Zamboanga. Dalawa lamang ang pumasok sa walong three-point shots ni Jerald Bautista. Samantala, tig-isang 3PM lang sila Cyrus Tabi at John Derico Lopez.

Kailangang gawan ng paraan ni Vic Ycasiano ang beyond-the-arc production ng Nueva Ecija kung gusto nilang maipanalo ang MPBL Finals. Magiging focus ng defensive gameplan ni Coach Vic si Villarias dahil sa napakataas niyang 39% 3P% ngayong season. Ayaw rin nilang bumalik sa Mayor Vitaliano D. Agan Coliseum na dehado nang dalawang laro.

Basahin Pa: Triple-Double Machine Luka Doncic, Ginapi ang Warriors