category category TJ category category Dec 12, 2022

Ang Japanese boxing champion na si Naoya Inoue ang hinihinalang mananalo sa laban niya kontra Britanya’s WBO World Bantamweight Champion Paul “Baby Faced Assassin” Butler, base sa OKBET odds.

Si Inoue ay may 1.02 samantala si Butler naman ay may 15.00. Malinaw na ang odds ay pabor sa Japanese knockout machine na magka-kampeon.

Kung titignan ang kanilang mga record, si Butler ay mayroong 32-2-0 at 15 doon ay knockouts. Samantala, ang makakaharap naman niya sa darating na Disyembre 13 ay wala pang talo, 23-0. Dalawampu na rin ang napatumba nito.

 

OKBET Naoya Inoue laban kay Paul Butler

 

Base sa Box.Live, isang boxing statistics website, si Inour ay mayroong knockout power na 87%, samantala ang Briton naman ay may 44% lang. Lamang din ang Hapon sa reach dahil mayroon siyang 171 cm kumpara sa kalaban na 165 lamang.

Pagdating sa title defense experience, apat na beses ng nakapag-defend si Inoue para sa kanyang WBA belt. Ang pinoy na si Nonito “The Flash” Donaire ang latest na kanyang naging biktima matapos na patumbahin ito sa round 6 ng kanilang laban noong Hulyo 6.

Mas matanda rin si Butler dito sa kanyang kalaban sa edad na 34. Kaya pagdating sa liksi ay paniguradong llamado ang Hapon.

Paul Butler kayang manalo kay Nanoya Inoue

Sa panayam sa kanya ng The Ring, naniniwala si Paul Butler na mananalo siya kay Naoya Inoue. Ito man ang number 1 na pound-for-pound, may pag-asa siya.

Naniniwala rin ang Briton na kaya niyang ipalasap kay Inoue ang sakit ng unang pagkatalo, kagaya ng ginawa ni Douglas Butler kay Mike Tyson.

Kulang man siya sa lakas, lamang naman siya sa experience, sabi ni Butler. Kaya gagamitin niya iyon, kasama ng istratehiya upang talunin ang Hapon.

“I believe I’m in the form of my life. I’m training the best I’ve ever trained, and training camp and sparring has gone that well – that if I do get the game plan off and the power’s not as big as everyone is making out, and I can take the shot, I believe we get him late, and we push him late, and we keep pushing him. I do believe if he hasn’t got me out of there within six rounds, I [will] win the fight.”

Maghaharap ang dalawa sa Disyembre 13 sa Ariake Arena sa Tokyo, Japan.

Magbasa pa: Morocco kontra Portugal: Sino kaya ang Mananalo?