Tatalunin ng Portugal ang Switzerland, at siyang aangat sa quarterfinals ng World Cup, base sa prediksyon ng OKBET. Ito ang dahilan kung bakit:
Ayon sa website na totalsportal.com, ang team captain ng Portugal na si Cristiano Ronaldo ang tinaguriang third-best striker. At sa edad niyang 37, halos lahat na ng goal-scoring record ay nasa kanya.
Siya rin ang kaisa-isahang player sa football history na makapagtala ng 820 goals. Bukod rito ay isa rin siyang sniper sa international tournaments dahil sa 115 scores na kanyang na-produce. Ngunit sa kabila ng kanyang limang Ballon d’Ors at tatlong European golden boots, ay hindi pa niya nahahawakan ang tropeo ng World Cup. Kaya naman malaki ang posibilidad na ngayong tournament ay ibubuhos niya ang lahat.
May katulong din si Ronaldo sa pag-iskor, at ito ay si Bruno Fernandes, 28. Kaya naman sa kabuuang performance ng Portugal sa qualifiers, ay mayroon itong dalawang sunod na panalo at isang talo.
Sa kabilang banda naman, ang Switzerland sa pangunguna ni Granit Xhaka ay mayroon ding 2-1 na standing. Ngunit ang pagkakaiba ng dalawang koponan ay ang kani-kanilang pagkatalo — may iskor na 1 ang Portugal sa talo sa South Korea habang ang Switzerland ay wala kontra Brazil.
Kaya naman pagdating sa goal difference ay lamang na lamang ang Portugal kahit pa natalo ito sa SoKor sa huling stage ng kanilang group match.
Kung pagbabasehan din ang statistics ng dalawang koponan ay makikitang lamang sina Ronaldo. Angat na angat ang opensa ng Portugal dahil sa 1.7 shots per game nito, hindi katulad sa Switzerland na mayroon lang na 0.9.
Malakas din ang Portugal sa aerial battles, at mayroon silang 67% chance of success kumpara sa Switzerland na mayroon lamang na 48%. Kaya naman dehado ang Swiss sa darating nilang laban sa Miyerkules, Disyembre 7.
Ang Prediksyon
Kaya kung susumahin, ito ang naging prediksyon ng OKBET, kung saan ang favorite ay ang Portugal, at ang underdogs ay ang Switzerland:
1×2 | Handicap | Goals O/U | 1×2 First Half | Handicap First Half | Goals O/U First Half | ||
---|---|---|---|---|---|---|---|
Portugal | 1.92 | -0.5 | 1.90 | Over 2/2.5 1.98 | 2.69 | -0/0.5
2.14 |
Over 0.5/1
1.83 |
Switzerland | 3.90 | +0.5 | 1.98 | Under 2/2.5
1.88 |
4.80 | +0/0.5
1.75 |
Under 0.5/1
2.05 |
Draw | 3.30 | 1.93 |
Mahalaga ring tandaan na noong nakaraang European Championship ay nalaglag agad sina Ronaldo. Samantala, ang Switzerland ay umabot pa ng quarterfinals kung saan natalo sila sa Spain.
Mas lamang din sa World Cup experience ang mga Swiss (12 appearances) kaysa Portugal (8 appearances).
Bilog ang bola kaya naman maaaring alin sa dalawang koponan ang makarating sa quarterfinals. Kaya naman hinihikayat ng OKBET na maging masusi at responsable sa paglalaro.
Basahin: Triple-Double Machine Luka Doncic, Ginapi ang Warriors