Matagumpay na nakabalik sa boxing ring si Manny Pacquiao matapos dominahin ang YouTuber na si DK Yoo. Ginanap ang kanilang exhibition match noong Sabado ng gabi sa KINTEX, Goyang, South Korea.
Mabilis na tinrabaho ng eight-division boxing champion ang martial artist, na sumikat sa pamamagitan ng kanyang mga video sa DK WCS (Warfare Combat System). Ang paraan ng pagsuntok at paggalaw ng 43-anyos na slugger ang dahilan kung bakit siya ang tinaguriang “greatest southpaw” ng naturang laro.
Binuksan ni Yoo ang laban sa pamamagitan ng pagsisikap na i-maximize ang kanyang superyor na taas at haba. Nakita ng mga tagahanga ng OKBET na ang mixed martial artist ay dumidistansya mula sa maalamat na infighter. Si Pacquiao naman ang nagdikta ng laban mula sa get-go.
Nagpakita ng kumpiyansa ang Koreano sa kanyang mga jabs, ngunit magalaw ang ulo ni Pacquiao. Kaya naging imposible para sa kanyang kalaban na makapagdulot ng pinsala.
Ang tinaguriang “The Destroyer” ay ginulat si Yoo gamit ang kanyang signature aggression. Bilang resulta, ilang beses natumba ang Koreano.
Ang pagkakaiba sa class ay kitang-kita nang marating nila ang dalawang pinakahuling round. Si Yoo ay lumalayo at mas madalas na mag-clinch para maiwasang ma-TKO.
Mukhang tatapusin ni Pacquiao ang laban sa pamamagitan ng knockout, ngunit sapat na ang ginawa ng kanyang kalaban para matalo sa pamamagitan ng unanimous decision. Ang iskor ng laban, ayon sa MMA Fighting ay 60-51, pabor sa boksingero na nagmula sa General Santos.
Pacquiao, Sabik na lumaban sa 2023
Ang mga boxing fans na nagustuhan ang ipinakita ng Filipino legend ay matutuwa na malaman na hindi ito ang huling pagkakataong aakyat si Manny sa ring. Kamakailan, inanunsyo na ni Pacquiao ang kanyang intensyon na lumaban 2023.
Ang pinakamalaking pangalan na gumagawa ng rounds bilang susunod na kalaban ni PacMan ay si Floyd Mayweather. Ang undefeated counterpuncher ay umiikot din sa exhibition circuit.
Habang gusto rin ni Pacquiao ng rematch ng kanilang 2015 mega fight, naniniwala siyang hindi na siya lalabanan ni Floyd.
Sinabi ni Pacquiao sa isang panayam bago ang kanyang laban na si Floyd ay “natatakot sa kamatayan” nang makaharap niya ito, pitong taon na ang nakalilipas.
Bukas din ang PacMan na labanan ang isa pang mixed martial arts icon, si Conor McGregor. Panigurado. ang tao ay tututukan ang fight card na nagtatampok ng The Notorious McGregor at ang palakaibigang PacMan.