Ang pagpapahinga sa pagsusugal, land-based man o online, ay isang responsableng paraan ng pagsusugal. Gayunpaman, ang isang adik sa pagsusugal ay mahihirapang limitahan ang kanyang sarili o kaya’y iwan ang mundo ng pagsusugal.
Minsan, ang isang bettor ay maaaring makaramdam ng kahihiyan tungkol sa kanyang addiction, kaya’t kinikipkip na lamang niya ito sa kanyang sarili. Subalit mahalagang malaman na hindi sila nag-iisa sa pagharap sa problemang ito.
Mayroong isang popular na paraan upang lumayo sa pagtaya at posibleng paraan upang mahinto sa pagsusugal—self-exclusion, na tatalakayin natin sa post sa blog na ito.
Ano nga ba ang self-exclusion?
Ang self-exclusion ay isang responsableng paraan ng pagsusugal kung saan ang mga manunugal ay hindi permanenteng humihinto sa paglalaro. Sa halip, binibigyan nila ang kanilang sarili ng sapat na oras upang lumayo sa pisikal o online na casino sa tulong mismo ng establisyimento o kumpanya.
Ang mga manlalaro na gustong mag-time-out ay maaaring makipagkasundo sa mga operator ng casino na pagbawalan sila. Ang panahon at pera na inilalaan nila sa mga casino ay malilimitahan, at mailalaan ito sa ibang mas mahahalagang bagay.
Sa pamamagitan nito, maaaring makatulong sa mga sugarol na makontrol muli ang kanilang matinding kagustuhang pumusta.
Kapag ang isang tao ay kasama sa listahan ng mga “restricted players”, hindi sila tatanggapin sa kahit na anong bahay-sugalan. Bagkus, maaari pa silang mapaalis. Kung sila ma’y makalusot, ang kanilang panalo ay hindi nila makukuha, pati na rin ang kanilang mga talo.
Bakit ito importante?
Sa pamamagitan ng self-exclusion, natututunan ng mga nalulong sa ganitong bisyo na labanan ito. Imbes na matuon sila kung paano manalo ng pera, mas mabibigyan nila ang kanilang sarili ng kinakailangang atensyon.
Dagdag pa rito, ang self-exclusion ay pumipigil sa mga sugarol na lustayin ang kanilang mga naipon. Mas naitutulak silang gastusin ang kanilang pera sa mga makabuluhang bagay. Pinakaimportante, nakikita nila na may mas kailangan pa silang paglaanan ng panahon at oras.
Hindi rin nila kakaharapin ang problema ng nag-iisa. Dahil mayroong mga komunidad na inilaan at ginawa para sa mga taong nalulong sa ganitong bisyo.
Ang mga casinos, katulad ng authorized operator na OKBET, ay may layunin na ituro sa bawat manlalaro na maging responsableng pagsusugal. Ito ay dahil hangad nila ang magbigay-aliw, hindi sumira ng buhay ng kanilang mga bettors.
Kailan ba dapat mag-self-exclude?
Ayon sa Responsible Gaming, may pitong dahilan upang malaman kung kailan dapat mag-self-exclude ang isang tao. Ito ay:
- Hindi na nagbibigay-saya ang pagsusugal
- Ito na ang dahilan ng problemang pinansyal, kalusugan, emosyonal, pati na rin sa relasyon.
- May kagustuhang lumayo muna pansamantala sa pagsusugal
- Nagbibigay-stress hindi lamang sa mismong manlalaro kundi pati na rin sa kanyang mga mahal sa buhay.
- Ang addiction ay hindi na makontrol kaya nais nang lumayo.
- Mas naging importante na ang pagsusugal imbes na sa sariling buhay, na nagbibigay-panganib.
- Imbes na mag-enjoy at mag-relax, mas iniisip kung paano mababawi ang mga natalo.
Lugar kung saan p’wede mag-self-exclusion
Dahil sa pagiging epektibo nito, karamihan sa mga bansa ay iniangkop na ito sa kanilang mga rehabilitation programs. Sa Pilipinas, ang Philippine Amusement and Gambling Corporation (PAGCOR) ang siyang nangangasiwa sa mga gustong mag-self-exclude. Sa mga interesado, maaaring ma-download ang form sa kanilang mismong website.
Ang PAGCOR self-exclusion program ay mayroong anim na buwan, isang taon, at limang taon na option para sa mga gustong mag-volunteer. Maaari ring mag-renew ng kasunduan hangga’t kailangan.
Kapag na-admit na sa programa ang isang sugarol, hindi na siya papayagang pumasok pa o tumaya sa mga bahay-sugalan.
Konklusyon
Ang self-exclusion ay magandang paraan upang malimitahan o di kaya’y mapuksa ang bisyo ng pagsusugal. Ang kagandahan pa nito, hindi ito sapilitan. Ibig sabihin, nasa tao pa rin ang desisyon kung gusto nilang lumayo sa sugal o hindi.
Sa kasalukuyan, ang PAGCOR ay nakapag-exclude na ng 1,215 na katao, at inaasahang magsisilbing kaagapay nila upang mapaunlad ang kanilang mga buhay.
Basahin: Responsableng Pagsusugal: Maging Maingat sa Illegal na Casinos