category category TJ category category Dec 2, 2022

Ang triple-double machine ng Dallas Mavericks na si Luka Doncic ay nagpakitang gilas laban sa Golden State Warriors noong Martes, Nobyembre 29. Siya ay nakapagtala ng 41 pts, 12 rebounds, at 12 assists — ang ika-51 triple-double ng kanyang karera.

Si Doncic ang nag-iisang NBA player na, sa edad na 21, ay mayroong mahigit 20 triple-doubles.

OKBET Luka Doncic triple-double laban sa Warriors

Nagawa ng Dallas’ Slovenian triple-double machine na gapiin ang defending champions na Warriors. Sa unang quarter pa lang ay mayroon na silang 12-point lead, 36-24. Ngunit bago sumapit ang halftime, lamang na lamang sila ng isa.

Pagpasok sa ikatlong quarter, nagbigay si Luka ng 13 pts. Ngunit hindi ito sapat para tuluyang makawala sa opensa ng Warrior. Anim na beses nagbago ang lead bago natapos ang apat na larong pagkatalo ng Mavericks.

Sa Q4 ng laban, si Stephen Curry, na may 32 puntos sa larong iyon, ang nagpalamang sa kanyang team sa nalalabing 2:09. Ang 34-anyos na superstar ay pumukol ng tres mukha ni Maxi Kleber, at inangat ang iskor, 110-108.

Kasama sa triple-double ni Doncic ang isang assist kay Tim Hardaway Jr. at isang block. Naselyuhan ng layup ni John Green ang laro, 116-113.

Outstanding si Hardaway sa larong iyon, umabot ng 22 puntos at may limang tres. Sa kasamaang palad, nasiko niya si Jordan Poole sa simula ng fourth quarter. Ito rin ang naging dahilan upang patawan siya ng flagrant foul at ma-eject.

Samantala, sa Warriors, hindi maganda ang naging performance ng kanilang mga star players. Si Klay Thompson ay may 5 puntos lamang (31mins), habang si Andrew Wiggins ay may 10 (27 mins).

Higit pa rito, si Poole, na nagsisimula nang magmukhang si Curry, ay mayroon lang 9 pts at siyam na assist. Si Draymond Green naman ay may apat lamang na assists at anim na rebounds kasama ng 12 puntos.

Luka Doncic, Patungo na sa pagiging NBA Champ?

Hindi maikakaila na ang triple-double machine na si Luka Doncic ay sikat na sa loob lang ng limang season. Siya ay may walong triple-double sa kanyang rookie year at nag-average ng 21 puntos bawat laro.

Sa kanyang novice year naman, pinataas pa ni Luka Magic ang kanyang laro, at nag-average na 28 puntos. Nagkaroon din siya ng 17 triple-double noong 2019-2020 season.

Si Doncic na isang triple-double machine, ay nakapag-record ng kabuuang 21 triple-doubles para sa 2020-2021 at 2021-2022. Sa kasalukuyang season ay mayroon na agad siyang lima.

Gumawa rin siya ng marka sa playoffs noong 2021 at nakipag-toe-to-toe kay Curry at ang Warriors. Gayunpaman, natalo sila sa Western Conference finals, 4-1.

Kahit na ang Dallas superstar ay hindi nakagawa ng kasaysayan, siya ay nasa tamang landas. Sa hitsura ng kanyang performance ngayong season, na may average na 33.5 pts bawat laro, malinaw na ang magiging prediction sa OKBET ay: Si Doncic at ang kanyang koponan ay kabilang sa mga kalaban sa playoff.

Dalawang beses magkikita ang Warriors (11-11) at ang Mavericks (10-10) bago ang All-Star Weekend.

Basahin: MPBL North: San Juan Talo sa Nueva Ecija