Maraming tinuring ang De La Salle Green Archers na isa sa mga pinakamalalaking paboritong manalo sa UAAP Season 85. Pagkatapos ng magaling nilang laro last season kung saan halos lahat sa mahahalagang manlalaro nila ay bumalik, maraming nagsabing maaari nilang marating ang tuktok ng UAAP basketball.
Subalit natapos ang season ng La Salle na hindi man lamang nakatuktok sa Final Four dahil sa pagkatalo nila sa do-or-die game nila kontra Adamson. Maraming pwedeing dahilan sa likod ng nakakadismaya nilang season, ngunit isa sa mga pinakapaguusapan ng La Sallian community ay ang hindi paglalaro ni Deschon Winston sa huli nilang laro.
Isa siya sa mga pinaka-inaasahang Green Archers noong season dahil sa kanyang scoring at playmaking. Sa unang half ng Season 85, pinakita ni Winston kung bakit isa ang La Salle sa mga paborito ng mga manlalaro ng OKBET na makarating sa Final Four.
Pagsisimula ng Hidwaan
Ngunit nagbago ang ihip ng hangin mula noong ma-injure si Winston laban sa Adamson Soaring Falcons sa huling laro ng first round. Mula noon, hindi na nakapaglaro nang maayos si Winston at tinapos ang kanyang eligibility para sa Green Archers nang hindi man lang nakapaglaro kontra Adamson noong Disyembre 4.
Naging usap-usapan sa mga tagahanga ang mga naganap sa La Salle locker room pagkatapos ng kanilang UAAP Season 85 campaign. Ayon sa Rappler, sinubukan niyang pasukin ang locker room upang palubagin ang loob ng mga kakampi niyang nabigo. Pinaulanan umano siya ng maaanghang na salita ng isa sa mga staff ng team.
Noong tinanong ang La Salle tungkol sa nangyaring palitan ng salita, tumanggi sila magbigay ng kumento sa media. Ibinalita ng mga media outlet na nagsulat tungkol sa isyu na mas mahahapdi na salita raw ang iniulan ng team kay Winston kaysa sa ibinalita sa media.
Ano ang Pinagmulan ng Gulo?
Inilahad rin ng ama ni Winston na si Laurian Watkins na hindi pa tuluyang magaling ang dating NCAA Division I cager noong pinayagan siya ng team doctor ng La Salle na mag-ensayo kasama ang kanyang team.
Binahagi ni Watson sa kanyang Twitter followers na na mas seryoso ang kanyang injury kaysa sa calf strain na binalita. Ayon sa kampo ni Winston, mayroon daw siyang gastronemius tear. Maaari raw lumala ang kanyang injury kung pinilit niyang maglaro. Ito ang dahilan kaya tumigil siya sa pag-eensayo noong makaramdam siya ng discomfort sa katawan.
Dahil umano sa desisyon niyang hindi maglaro at natawag siyang “quitter” at “loser.” Kinumpirma ni Watkins na tinawag nang ganito ang kanyang anak.
Pamilyar na Sitwasyon
Kakaiba ang sitwasyon na ito para sa mga UAAP fans. Ngunit hindi ito ang unang beses na nangyari sa kamalayan ng mga Pinoy basketball fans.
Pagkatapos ma-injure ni Kawhi Leonard sa 2017 Western Conference Finals, binigyan siya ng San Antonio Spurs ng kontrol sa kanyang rehab. Naging magulo ang kanyang recovery at hindi binigyan ang Spurs ng deadline kung kailan siya makakabalik sa kanyang koponan.
Naghirap ang Spurs dahil sa hindi pagpaparamdam ni Kawhi. Kinalaunan, tinrade siya papuntang Toronto kung saan nanalo siya ng kampeonato kasama ang Raptors. Nilahad ni Kawhi kamakailan na di pa niya nalilimutan ang ginawa ng Spurs sa kanya.
Ano ang Susunod na Mangyayari?
Klaro ang mga nasa tuktok ng priority lists ng La Salle at ni Winston. Magtututok ang La Salle sa rebuild. Sila Michael Phillips at Kevin Quiambao ang magdadala sa Green Archers sa mga susunod na taon.
Samantala, maghahanda naman si Winston para sa pagkakataong makapaglaro abroad. Naghahangad rin siyang makapaglaro sa Gilas Pilipinas. Subalit inamin ni Watkins na hindi siya sigurado kung paano maaapektuhan ng isyu na ito ang pagkakataon ng kanyang anak.
Matagal namang magtatanong ang mga La Sallista kung sino ba ang tama kay nila Winston at ng Green Archers.
Basahin pa: England vs Senegal: Prediction at Betting Odds sa Laro