category category TJ category category Dec 23, 2022

Ang karanasan ay hindi palaging”best teacher,” at sa kaso ng Golden State Warriors, sila ay tila kupas na, at ang kanilang dinastiya ay maaaring patapos na.

Sa mga kamakailang playoff, nilait ni Dylan Brooks ng Memphis Grizzlies si Stephen Curry at ang GSW core, at sinabing “matanda.”

“We’re young, and they’re getting old,” saad niya matapos manalo sa round 2 ng playoffs kontra Warriors. “They know we’re coming every single year.”

Gayunpaman, nagapi ng GSW ang Grizzlies, at tinapos ang serye sa tulong ng “kupas” na si Klay Thompson, na nagtala ng 30 puntos. Subalit nahirapan pa rin naman ang Warriors dahil umabot pa sila sa Game 6.

At ngayong bagong NBA season, tila may katotohanan ang pahayag ni Brooks. Bagama’t ang Warriors ang kasalukuyang kampeon, mukhang hindi na sila katulad ng dati, kupas kumbaga.

Sa 29 laban, lamang ang talo nina Curry kesa panalo 14-15. Nasa ika-sampu rin sila ng Western Conference. At kung titignan ang nakaraang mga laban, ginapi sila ng mas bata, at mas mabilis na mga koponan.

Kamakailan ay natalo sila ng batang Indiana Pacers 125-119. Nanguna si Tyrese Haliburton, 22, na may 29 puntos, apat na rebound, at anim na assist. Ang kanyang kakampi na si Bennedict Mathurin, 20, ay nagdagdag ng 24 puntos, anim na rebound, at tatlong assist.

Sina Curry, 34, Draymond Green, 32, at Kavon Looney, 26, ay nasa larong ito. Sila lang naman ang mga players na may apat na kampeonato ngunit dinaig ng koponan na ang pinakamatanda ay 29.

Ngunit kung iisipin, talo sila ng Utah Jazz na walang star player. Winasak din sila ng New Orleans sa pamamagitan ng kanilang batang star player na si Zion Williamson, 83-128.

Pero hindi rin p’wedeng sabihing kupas na dahil nagwagi ang Warriors kontra sa batang Houston Rockets.

OKBET Golden State Warriors kupas, lumiit?

Kupas at matanda

Ang Warriors ay hindi lamang kumukupas kundi mas maliit pa ito kumpara sa ibang NBA teams. Ang kanilang kakulangan sa laki ay maaaring nangunguna pagdating sa Pace, ngunit hindi ito nakakatulong kapag sila ay lumalaban sa malahigante at maliksi na mga koponan tulad ng Milwaukee Bucks.

Outboxed at out-styled ang GSW sa larong iyon 128-111. Madaling nadepensahan ng Bucks ang kanilang basket laban sa opensa ng Warriors, na mayroong kabuuang limang block.

Si Giannis Antetokounmpo at ang kanyang koponan ay gumawa ng 55 rebounds sa matchup nila ng Warriors. Apatnapu’t tatlo ang defensive rebounds (DRB), at ang natitirang 12 ay mula sa offensive rebounding (ORB).

Samantala, mayroon lamang 37 rebounds ang Warriors. Mayroon lamang silang 25 DRB at 12 ORB.

Ang kanilang pagkatalo laban sa Pacers ay nagpakita rin kung gaano nila kailangan ang isang higante gaya ni James Wiseman na kayang tumapal. Ang Indiana ay may walong butata sa larong iyon kumpara sa apat ng GSW.

Konklusyon

Ang pahayag ni Brooks ay maaaring may kahanginan, ngunit siya ay bahagyang tama. Tunay ngang kumukupas na ang Warriors, at kitang-kita ito sa kanilang kasalukuyang katayuan.

Higit pa rito, sina Nemanja Bjelica, Gary Payton II, at Otto Porter Jr, na nag-ambag nang malaki sa nakaraang season para sa depensa at rebounding ay labis na na-miss, lalo’t sa kasalukuyang estado ng koponan.

Kaya’t kung hindi nila ibabalik si Wiseman sa kanilang lineup, ang Warriors ay patuloy na tatalunin ng mas bata at matatangkad na mga koponan. Nangangahulugan din ito na ang kanilang mga pagkakataon na makakuha ng isang two-peat ay mas slim, lalo na sa kanilang core na tumatanda at bumabagal.

Ang odds sa OKBET ay maaaring pabor pa rin kay Curry at sa Warriors. Gayunpaman, ang ibang mga koponan ay tila naungusan na ang ’22 NBA champs. Ang magandang solusyon rito ay hindi muna tumaya sa GSW hangga’t hindi pa nila naipapakita sa mga youngblood na sila ang boss.

Basahin: Brazil Talo sa World Cup; Coach Tite Nag-resign