Muntik ma-injured ang guard na si Russell Westbrook ng magtuos ang Los Angeles Lakers at Spurs nito lamang Sabado, Nobyember 26.
Nagkaroon ng insidente sa pagtatapos ng third quarter ng laro, sa kalagitnaan ng opensa ng LA Lakers. Ang siko ni Spurs center Zach Collins ay bumagsak sa noo ni Westbrook.
Bagama’t natumba, dali-dali namang tumayo ang duguang shooting guard.
Nagtangkang magpaliwanag ang sentro matapos ang pangyayari. Subalit mainit ang ulo ni Westbrook at muntik pa nitong sugurin ang si Collins.
Napigilan naman ang sugatang Laker guard ng kakamping si Lebron James habang tinatapalan ng tuwalya ang kanyang duguang noo. Nilagyan muna siya ng tape bago makapag-free throw upang iangat pa lalo ang iskor na napako sa 99-92.
Nilabas siya sa huling sandali ng third quarter ngunit bumalik din kamakailan upang talunin ang Spurs, 143-138.
Samantala, si Collins naman ay binigyan ng flagrant foul 2 at nasipa sa laro. Bukod pa rito ay posibleng patawan rin siya ng suspension at penalty.
Si Westbrook naman ay nabigyan ng technical foul dahil sa pagtatangka nitong sugurin ang Spurs player.
Collins Nagpaliwanag sa tangkang pag-injured kay Russell
Sa panayam ni Tom Osborn kay Collins, ibinahagi nito ang kanyang panig. Depensa niya, wala na siyang magagawa sa mga susunod na pangyayari lalo na at nasa ere na siya.
Hindi naman daw nito gustong muntik na ma-injured si Westbrook dahil sa kanyang paniniko. Ngunit inaamin niya na nagkamali siya sa pagkagat sa pump fake na ginawa nito, sanhi upang lumundag siya at maibagsak ang siko sa Laker guard.
“Hindi dapat ako tumalon nang nag-pump fake siya (Westbrook),” sabi ni Collins sa wikang Ingles.
Nagtamo lamang ng sugat ang Laker guard, hindi katulad ng kanyang teammate na si Anthony Davis. Hindi kasi ito makakapaglaro dahil sa calf contusion.
Bagama’t wagi ang Lakers laban sa Spurs, nanatili itong nasa ika-13th na pwesto sa Western Conference, dahilan upang hindi maging maganda ang prediksyon sa OKBET.
Basahin: Bagsak si Neymar! Brazil panalo sa Serbia sa FIFA World Cup 2022