Mahigit dalawang taon na ang nakakalipas simula nang mahigit 30 na may kinalaman sa live cockfighting ay biglaang nawala. Nito lamang Setyembre 16, limang suspek na pinaghihinalaang may kinalaman o ‘di kaya’y sangkot sa kidnapping ay naaresto na sa Parañaque City. Inabot ng ilang taon, pero sa wakas, ang hustisya ay unti-unti nang kumikilos.
Base sa mga ulat, ang mga suspek ay naaresto mula ng mag-isyu ng warrant of arrest ang Manila RTC Branch 40. Ang mga inarestong indibidwal ay sina: Julie Patidongan, alias Dondon Mark Carlo Zabala; Virgilio Bayog; Roberto Matillano, Jr.; Johnry R. Consolacion; at Gleer Codilla.
Sila ay kinasuhan ng kidnapping at serious illegal detention dahil sa anim na sabungero na biglang nawala noong Enero 13, 2022.
Bukod dito sa limang indibidwal na ito, inaresto rin ng Criminal Investigation Detection Group (CIDG) ang mga kaibigan ni Patidongan na sina Melchor Neri at Victorino Jocosol dahil sa obstruction of justice.
Pagyabong ng Kaso
Pinutakte ng kaso ng mga nawawalang indibidwal ang balita. Nasangkot din si Atong Ang, isang kilalang gaming operator sa Pilipinas, dahil sa kidnapping.
Samantala naman, si dating Presidente Rodrigo Duterte ay hindi nagpatinag na isuspinde ang live cockfighting. Ginawa niya lamang ito noong Mayo noong nakaraang taon. Kanyang dinipensahan ang kanyang desisyon na ang kita ng industriya ay nagbibigay sa bansa ng P640 milyon kada buwan. Bukod pa rito, legal pa ang operasyon.
“Kayo, baka nagdududa kayo, bakit hindi ko hininto. Hindi ko hininto kasi kailangan ng pera sa e-sabong ng gobyerno,” sabi ni Duterte sa kanyang public address.
Dagdag pa niya, “I make it public now, it’s P640 million a month. In years time, it’s billions plus. Saan tayo maghahanap ng ganoong pera na kadali?”
Tunay nga naman na milyun-milyon ang kontribusyon ng industriyang ito sa gobyerno. Pero inilalagay naman nito sa kapahamakan ang taumbayan.
Adiksyon sa E-Sabong: Isang Problema ng mga Pilipino
Nadiskubre ni Dr. Randy Dellosa na maraming mga Pilipino ang nahuhumaling sa sabong, at ito ang isa sa mga pinakamahirap na i-manage na adiksyon.
Dahil maraming mga sabungero ang nawawala, hindi na nakakapagtaka kung bakit ang dating libangan ay naging isang naging karima-rimarim na aktibidad.
Sa katunayan, may isang ina na ibinenta ang kanyang sanggol para lang mapondohan ang kanyang pagsusugal; habang may isang lalaki nmaan ang muntik nang maubos ang ipon ng kanyang pamilya kakahabol ng kanyang mga talo.
Sobrang talamak ng libangan na ito na kahit sa gitna ng pandemya, kung saan ang buong mundo ay pinansyal na naghihirap, ang mg Pilipino ay suki sa mga virtual cockfigthing na platforms.
“Sabong is very culturally condoned and tolerated in the Philippines. [It] can be addictive is because of the culture and festivity. You’re not only going there to bet. There’s a whole culture and environment you are addicted to. Your friends are there; you’re addicted to the noise. It’s easier to get the money and play. It’s very convenient, too, because you don’t have to travel [to the actual cockfighting pits],” paliwanag ni Dr. Dellosa.
Ang adiksyon na ito ang dahilan bakit marami ang nagiging biktima ng mga organized crime at sindikato na may kinalaman sa mga gambling operations. Halimbawa ng mga kriminal na gawain ng mga ito ay: kidnapping, extortion, human trafficking, at money laundering.
Dahil din sa mga krimen na ito isinulong ng gobyerno na gawing iligal ang e-sabong. Ang mga mahuhuling lumabag sa panukala at makakasuhan ayon sa Presidential Decree No. 1602 o ang batas para sa mas mabigat na parusa sa iligal na pagsusugal.