category category TJ category category Dec 30, 2022
OKBET Grizzlies talunan pa rin

Talo pa rin ang Memphis Grizzlies sa Golden State Warriors, matapos na magharap sila sa unang pagkakataon nitong kapaskuhan 123-109.

Kamakailan lang ay ating pinagdudahan ang kakayahan ng Warriors laban sa mga mas batang teams. Kahit ang Grizzlies wing na si Dylan Brooks ay pansin ang pagkupas ng naturingang ‘21-’22 NBA champs.

We’re young, and they’re getting old (Bata pa kami, at sila’y tumatanda na),” saad nito last year.

Subalit hindi inaakala ng manlalaro na may ibubuga pa ang binansagan niyang “matatanda.” Tinalo sila ng GSW sa kabila ng pagkawala ni Stephen Curry at Andrew Wiggins.

Sa buong laban, hindi man lang nakalamang ang Grizzlies. Lumobo pa sa 17 ang kalamangan kahit wala si Stephen Curry at Andrew Wiggins.

Samantala, si Klay Thompson, na dati nang nag-react sa mga sinasabi ng Grizzlies, ay gumawa ng 24 puntos. Mayroon din siyang four assits at nine rebounds.

Si Jordan Poole naman ay kahanga-hanga ang naging performance. Nakapagtala lang naman siya ng 32 points, three rebounds, at dalawang assists.

Maganda rin ang ipinakita ng bench ng Warriors. Sina Ty Jerome, Moses Moody, at Anthony Lamb ay naka-double digits. Habang si Donte DiVincenzo ay nama’y gumawa ng 19 points at 15 doon ay galing sa limang tres.

Hindi pa nagagawang makabawi ng Grizzlies sa Warriors dahil talo pa rin ito simula nang magkaharap sila noong NBA semifinals.

OKBET Grizzlies talunan pa rin

Thompson vs Grizzlies

Matatandaan na noong nakaraang regular season, si Thompson at si Brooks ay nagkasagutan. Ito ay dahil tinawag ng huli na “dinastiya” na sila.

Noong nakaraang playoffs, nanalo sina Morant laban sa Warriors. Naka-iskor din ng dalawa sa anim na laro noong semifinals ang Memphis.

Pati si Jaren Jackson ay hindi rin pinalagpas ni Thomspon. Noong playoffs, tinutya ng manlalaro ang motto ng Warriors na “strength in numbers.” Hindi ito nagustuhan ng Splash Bro at kanilang inilaglag ang kalaban sa serye.

Pinaringgan pa ng beteranong shooting guard si Brooks at sinabing “premature” pa ang dinastiya ng kanilang koponan.

“Man, they were talking about dynasty and all that. You can’t talk dynasty when you haven’t won before. I don’t think people realize how hard that is, the commitment and sacrifice it takes.

“I mean, you’ve got to sacrifice your body. And I thought that was premature to talk, to even mention that word. But they bring the best out of us, and I think we do the same. And even though we don’t like them, got to respect them because they’re a threat,” sabi ni Thompson.

Ngayon naman, may patutsada ang batang star ng Memphis. Nang tanungin si Morant kung saang team siya alanganing makakuha ng kampeonato, ang Boston Celtics lamang ang kanyang sinambit.

“Nah, I’m fine in the West,” saad nito.

Maswerte na lamang siya at hindi ito napanuod ni Thompson. Paniguradong may comeback na magaganap mula sa Warrior guard kung nagkataon.

Malakas sa Home Pero…

Hindi maikakailang malakas ang Warriors kung nasa kanilang teritoryo. Ang GSW ay mayroong 13 panalo sa home kumpara kapag on the road.

Kung tutuusin, natalo na nila ang Boston Celtics, ang kasalukuyang number one sa Eastern Conference. Natalo na rin ng Warriors ang Grizzlies.

Subalit malaking issue ang kanilang opensa kapag sila ang dadayo. Sa ngayon, mayroong silang average na 105.1 on the road. Kapag at home naman, mayroon silang 113.4 points per game.

Nakapagtala na rin sila ng five-game losing streak sa daan.

Konklusyon

Maghaharap pa ng tatlong beses ang Warriors at Grizzlies para sa regular season. Sa ngayon, 1-0 ang iskor.

Ang mga manlalaro sa OKBET ay dapat abangan ang matchup ng dalawang ito. Sa mga susunod nilang paghaharap, malalaman kung ang Grizzlies ay puro lang hangin o kung may ibubuga talaga.

Basahin: Matapos Matalo sa FIFA World Cup 7 Coaches Nag-resign, Sinibak