
Bagama’t hindi gaanong karaniwan, ang ice hockey neck cut ay isang seryosong injujry, kung saan ang mga biktima ay isang pulgada na lamang sa pintuan ni Kamatayan. Kaya naman ang kaligtasan ng mga atleta ay dapat na maging prayoridad imbes na entertainment.
Gaya na lamang ng biglaang pagkawala ni Adam Johnson matapos na siya ay aksidenteng mahiwa ng isang skate blade sa kalagitnaan ng isang English league hockey game.
Pero hindi ito karaniwang ice hockey injury dahil ang mga neck cuts ay hindi madalas nangyayari kahit na fast-paced ang sport na ito. Marahil ay dahil sa ang laro ay nag-evolve na pagdating sa mas mahigpit na safety measures at protective equipment.
Sa kasalukuyang form ng ice hockey, ang mga injuries ay mula sa ligament sprain hanggang sa AC joint separation. Hindi man ito nakakamatay, maari naman itong tumapos sa karera ng isang manlalaro.
Subalit, ang isang hiwa sa leeg ay isang bagay na dapat ituring na maliit o pangkaraniwang injury dahil:
Ang Pagiging Malala ng Ice Hockey Neck Cut
Oo, ang nangyari kay Johnson ay isang rare na insidente. Pero, ang kinahinatnan nito ay nakakapinsala—ang pagkawala ng isang buhay. Ang leeg ay isang maselang bahagi at kritikal na parte ng katawan ng tao. Dito matatagpuan ang mga vital arteries at veins na nagdadala ng dugo at oxygen patungo sa utak. Sa oras na mahiwa ito, ang mga manlalaro ay nanganganib na maubusan ng dugo—isang life-threatening na sitwasyon—lalo na kapag hindi nila nakuha ang kinakailangang atensyong medikal.
Basahin|Bakit Kailangan ng mga PBA Teams ng Stand-in Import?
Sa sports, dapat hindi magkakaroon ng ng pagkawala ng isang buhay, o kahit anuman. Kaya naman:
Panawagan para sa Pinahigpit na Protective Measures
Ang pagkamatay ni Johnson ay isang pampagising sa nasabing injury, kahit na ito ay isang rare na pagkakataon gaya ng ice hockey neck cut, at kailangan pa rin ng atensyon. Sa katunayan, ang insidente ang nagtulak para sa mga manlalaro at organisasyon na magkaroon ng implementasyon sa pagsusuot ng neckguards.
Isang protective equipment ang neck guard, na madalas sinusuot ng mga ice hockey players. Ito ay na-develop matapos na ang Royal York Royal goalkeeper na si Kim Crouch ay aksidenteng nahiwak ang kanyang neck artery matapos na mag-dive sa fray taong 1975.
May ilan ding mga insidete kung saan hindi sinasadyang nahiwa ng skates ang mga manlalaro, at ang pagkawala ni Johnson ay tinuturing na “sign” para gawing mandatory ang mga neck guards.
“I know it may not pass the ‘cool’ factor, but it’s time for mandatory neck protection at every level in hockey. The risk is far too great not to,” expressed four-time Olympic gold medalist, medical doctor, and assistant general manager for the Toronto Maple Leafs Hayley Wickenheiser on X.
My deepest condolences to Adam's family and the extended hockey family.
Such a terrible loss of a young life.I know it may not pass the 'cool' factor but it's time for mandatory neck protection at every level in hockey. The risk is far too great not to. https://t.co/YvUoMn7qTl
— Hayley Wickenheiser (@wick_22) October 29, 2023
Implementasyon ng Mahigpit na Regulasyon at Compliance
Nagsilbing isang domino effect ang pagkamatay ni Johnson, dahil ang mga organisasyon sa hockey at mga liga ay namulat ang mga mata na kailangan nilang bigyan ng importansya ang pagkakaroon ng mahigpit na regulasyon lalo na sa mga kagamitan ng mga manlalaro. Bagama’t ang sport hindi ang pinakamaraming naitalang pagkamatay, kinakailangan pa ring ligtas ang mga manlalaro na ‘di alintana ang level ng kanilang skill o edad.
Dagdagan ang Awareness ng mga Player
Importatnte ring bigyan ng edukasyon ang mga manlalaro pagdating sa mga panganib na kaakibat ng neck cuts. Ang mga coaches, trainers, pati na rin ang mga league officials ay mahalaga ang ginagampanang tungkulin upang masiguro na nauunawaan ng mga manlalaro ang importansya ng pagsunod sa safety guidelines at pagsusuot ng tamang protective gear. Idiin ang potensyal na mga kahihinatnan sa oras na kanilang isinawalang-bahala ang safety measures upang mahikayat ang mga manlalaro na mahalaga ang kanilang well-being.
Mabilis na Emergency Response
Sa hindi inaasang pagkakataon kung saan nahiwa ang leeg, ang mabilis at epektibong emergency response ay sobrang mahalaga. Kailangang well-trained ang mga team medical staff at personnel upang pangasiwaan ang mga ganitong klaseng sitwasyon at may karunungan at kagamitan upang makapagbigay ng mabilisang tulong hanggang sa makarating ang mga propesyunal.
Halimbawa na lamang ay ang nangyari kay Clint Malarchuk ng Buffalo Sabres nang magkabungguan sila ni Steve Tuttle, na nagresulta upang mahiwa ng kanyang sariling skates ang kanyang internal jugular vein. Maaring hindi siya nakaligtas sa insidente kung hindi naging maagap ang tulong medikal.
Konklusyon
Ang sports deaths ay hindi karaniwan, pero ang mga injuries o insidente, gaya ng ice hockey neck cuts, ay dapat isaalang-alang. Kaunting posibilidad ay posibilidad pa rin at hindi dapat isawalang-bahala hangga’t walang namamatay. Hindi rin ito magandang tignan lalo kapag kakatapos lamang magparehistro sa isang online sports betting platform gaya ng OKBet at makitang ang isang manlalaro ay nawala ang buhay dahil sa kakulangan ng protective equipment.