category category Timothy Gacura category category Jan 5, 2024
OKBet Former NBA Stars in the PBA

Ngayong ang dating NBA star na si Dwight Howard ay pumirma sa Philippine-based team na Strong Group para sa isang Dubai tournament, mayroong pag-asa kaya na ibang dating stas ay maglaro sa PBA?

Ayon sa artikulo ng SPIN, mayroong posibilidad na magsuot ng isang lokal na jersey si Howard, partikular na ang Converge FiberXers. Ang team manager na si Jacob Lao, anak ng bilyonaryong si Frank Lao, ay kinumpirma na posible ito ngunit mahirap.

Bukod sa kasalukuyang import ng Taoyuan Leopards sa T1 League sa Taiwan, may height ceiling na 6’9 ang PBA para sa mga imports. Ang eight-time NBA All-Star ay nakalista bilnag 6’10, pero makakapaglaro siya sa liga dito sa Pilipinas kung babalik siya sa kanyang orihinal na tangkad na 6’9.

Mayroon ding problema pagdating sa sahod, kung saan ang PBA ay mayroong naka-st na maximum na kita na $20,000 kada buwan para sa isang import.

“Yun pa ho ang isa. Pero madali naman naming magawan ng paraan yang salary kasi we can offer other packages for Dwight,” paliwanag ni Lao.

Bukod kay Superman, ang Strong Group ay magiging isang powerhouse sa nasabing Dubai tournament. Kamakailan lang ay kinuha nila sina Shabazz Mummad, Andre’ Roberson, at Nick Young bilang mga impoort.

“We have more stars coming to the team. Just stay tuned. Magugulat kayo sa line-up na binubuo natin. We want to elevate Philippine basketball, and we believe this is our small contribution to that cause,” sabi ni Lao sa SPIN nang may ngiti.

Maganda ring makita ang Converge na magkaroon ng firepower, lalo na sa pinapakita nilang performance ngayong Commissioner’s Cup. 

Kaya naman, upang masagot ang katanungan kung posble ba, oo, maaring ito na ang simula na magkaroon ng mga dating NBA stars ang maglalaro sa PBA.

OKBet Former NBA Stars in the PBA

Mga Notable NBA Players na Nakapaglaro sa PBA

Habang tayo ay nagmumuni-muni kung makikita ba natin si Howard sa PBA at iba pang potensyal na dating stars, may ilan ng NBA players ang nakapaglaro sa Philippine pro league.

Chris Morris – Purefoods TJ Hotdogs (2002)

Ang dating NBA veteran ay na-draft bilang pang-apat ng New Jersey Nets noong 1988 at saglit na naglaro sa PBA bilang parte ng Purefuoods TJ Hotdogs noong 2002. Kahit na maigsi lang ang kanyang nilagi, ipinakita ni Morris ang kanyang skills, at nag-average ng 20.6 points, 11.5 rebounds at 3 assists.

Cedric Ceballos – San Miguel Beermen (2003)

Isang Slam Dunk Champion sa NBA, si Cedric Caballos ay isang beses na naglaro para sa San Miguel Beermen sa 2003 Reinforced Conference Finals. Kahit napakaigsi ng kanyang appearance para, tinulungan nya ang Beermen upang manalo, 86-81, at nakapagtala ng 11 points at 10 rebounds.

Kevin Gamble – Añejo Rum (1987)

Na-draft bilang 63rd overall ng Portland Trailblazers, si Kevin Gamble ay natagpuan ang sarili na naglalaro sa PBA kasama ng Añejo Rum. kahit na saglit lang din ang kanyang nilagi, ang kanyang scoring prowess ay nag-iwan ng marka, at pinakita kung bakit isa siya sa mga pangunahing contributor para sa Boston Celtics noong 1990-91 season.

Vincent Askew – Shell Helix Oilers (1988)

Matapos na ma-draft ng Philadelphia 76ers, naglaro si Vincent Askew para sa Shell Helix Oilers noong 1988 PBA Open Conference. Sa kasamaang palad, hindi nakarating sa playoffs ang kanyang team, pero ang karera ni Askew ay nagpatuloy naman sa NBA.

Leon Wood – Purefoods TJ Hotdogs (Career End)

Ang dating 1984 pick ng Philadelphia 76ers na si Leon Wood ay sinubukan ang internasyunal na scene pagkatapos ng kanyang karera sa NBA. Naglaro siya para sa Purefoods TJ Hotdogs sa PBA hanggang sa siya ay mag-retiro at nagsimulang mag-officiate.

Henry Walker – Alaska Aces, NLEX Road Warriors, Blackwater Elite (2014-2018)

Kahit na nilalaban niya ang mga injury sa tuhod, mayroong disenteng NBA career si Henry Walker bago pumasok sa PBA sa ilalim ng Alaska Aces noong 2014. Naglaro din siya para sa NLEX Road Warriors at Blackwater Elite, at bawat team na napuntahan niya ay may iniwan siyang impact.

Al Thornton – NLEX Road Warriors (2015-2016), Mighty Sports (2016)

Na-draft ng Los Angeles Clippers bilang 14th overall, si Al Thronton ay naging isang immediate na contributor sa Clippers. Pagkatapos sa NBA, pinamalas naman niya ang kanyang skills sa PBA kasama ang NLEX Road Warriors, at umiskor ng 69 na puntos sa isang laro. Noong 2016, sumali siya sa Might Sports para sa William jones Cup.

Habang nakapalibot ang mga spekulasyon sa potensyal na pagpasok ni Dwight Howard sa PBA, ang mga nakalipas na crossovers ay nagpapakita na ang mga dating NBA players, bagama’t hindi mga stars, ay nakapag-iwan na ng kanilang marka sa Philippine basketball. Sasali kaya si Howard sa listahang ito? Tanging panahon lang ang makakapagsabi. Manatiling nakaabang para sa mga surpresa sa mundo ng PBA at mga dating NBA stars.

Pero habang naghihintay, bisitahin muna ang OKBet, isang lisensyadong sports betting platform sa Pilipinas. Tumaya na sa iyong paboritong sports sa pamamagitan ng pag-register dito.

BASAHIN| Bakit Kailangan ng mga PBA Teams ang Stand-in Import?

BASAHIN| Philippine Basketball Scene: Ma-improve Pa Kaya?