Kung gusto mo magkaroon ng edge sa iyong mga kalaban, ang paggamit ng Kelly Criterion sa online gambling ang maaaring makapagpataas ng iyong tyansa upang magwagi.
Lahat ay p’wedeng i-approach sa pamamagitan ng matematika—kahit ang pagsusugal, at dyan papasok ang Kelly Criterion. Pero tandaan na nakakaapekto pa rin ang swerte sa panalo.
Interesado ka ba? Basahin ang blog na ito upang malaman kung paano maging isang successful na manlalaro!
Ang Development ng Kelly Criterion
Ang teknik na ito ay na-develop ni John L. Kelly Jr noong 1950s habang nagtatrabaho sa Bell Labs. ang pangunahing pokus niya ang information theory, partikular na sa coding theory at communications systems. Subalit naging interesado siya sa pag-apply ng probability theory at istatistika sa sugal at investment.
Ang motivation ni Kelly ay ang makahanap ng optimal na istratehiya upang mapalago ang investment o bankroll. Nais niyang ma-address ang katanungan kung gaano kalaki ba ang dapat itaya kapag mayroong advantage sa isang partikular na pusta. Naniniwala siya na ang tradisyunal na paraan ng pagtaya, gaya ng arbitraryong laki ng pusta, ay hindi gaanong nagagamit sa mga paborableng sitwasyon.
Kaya naman ginamit niya ang impormasyon at istatistikal na decision theory upang malikha ang Kelly Criterion. Gusto niya kasing makahanap ng mathematical na pormula na makakapag-determine ideal na fraction ng bankroll upang magkaroon ng malaking kita sa katagalan.
Ang kanyang breakthrough ay nangyari nang mapagtanto niya na ang problema ay maaaring ikonsidera bilang isang logarithmic utility maximization. Sa pagkonsidera ng logarithm ng yaman bilang utility function, nagawa niyang ma-maximize ang inaasahang paglago ng kanyang bankroll.
Sa pamamagitan ng kanyang pagsasaliksik, nakalikha si Kelly ng isang pormula na ngayon ay kilala bilang Kelly Criterion. Ang paraan na ito ay kinokonsidera ang tyansa na manalo, ang mga odds na inaalok ng bookmaker, at ang laki ng bankroll upang kalkulahin ang optimal fraction na maaaring itaya. Ang resulta ay isang percentage na nagsisilbing indikasyon kung gaano kalaki ang dapat itaya para magkaroon ng pangmatagalan na paglago ng bankroll.
Pag-intindi sa Kelly Criterion
Dahil kinokonsidera ng Kelly Criterion ang tyansa na manalo at nagbibigay ng odds upang kalkulahin ang mainam na laki ng pusta, sumusunod ito sa pormula na:
f* = (p * b – q) / b
Kung saan nirerepresenta nito ang:
“f*” = praksyon ng bankroll o pusta
“p” = tyansa na manalo
“q” = tyansa na matalo (1-p)
“b” = ang odds na matatanggap sa pusta
Paggamit ng Kelly Criterion
Upang magamit ang Kelly Criterion, kailangan nating isaalang-alang itong simpleng halimbawa. Ipagpalagay na tumataya ka sa isang coin toss at ang bookmaker ay nagbigay ng 2:1 na odds (b = 2). Ang hula mo sa tyansa na tumama ang coin sa nais mong side ay 0.6 (p = 0.6).
Gamit ang pormula, kalkulahin natin ang optimal fraction ng iyong bankroll na dapat mong itaya:
f* = (0.6 * 2 – 0.4) / 2
f* = 0.2
Iminumungkahi ng Kelly Criterion na 20% ng iyong kabuuang bankroll ang dapat mong ipusta upang magkaroon ng pangmatagalang paglago. Kung sakaling liitan mo ang iyong pusta, maaaring hindi mo na makuha ang potensyal na kita. Sa kabilang banda naman, kapag napasobra ka sa itinakdang taya ay may potensyal na magkaroon ka ng losing streak.
Advantages ng Kelly Criterion
Ang Kelly Criterion ay isang magandang tool na gamitin sa pagtaya. Mayroon itong mga advantage upang i-enhance ang iyong istratehiya. Sa pamamagitan ng matematikal na presisyon na hatid ng pormulang ito, maaari mong ma-optimize ang iyong mga desisyon sa pagtaya at ma-unlock ang potensyal na pangmatagalang kita. Narito ang ang mga advantages:
Optimal Bankroll Growth
Ang pangunahing goal ng Kelly Criterion ay ang ma-maximize ang long-term growth. Sa pamamagitan ng maayos na paglalagay ng iyong taya base sa nakikitang advantage, p’wede mong mapataas ang iyong tyansa na malago ang iyong bankroll sa paglipas ng panahon.
Customization sa Edge
Kinokonsidera ng teknik na ito ang estimated na tyansa na ikaw ay magwagi. Dahil dito, makakapaglagay ka ng pusta base sa iyong kumpyansa. Kapag mas pulido ang iyong estima, mas mataas ang presisyon ng laki ng iyong dapat ipusta.
Risk Management
Ang pormula na ito ay ginagamit ang odds ng bookmaker at inaayon ito ang laki ng iyong pusta. Sa pamamagitan nito, nakokontrol mo ang risk na baka sumobra ka sa taya kapag hindi pabor ang mga odds o di kaya’y hindi ma-capitalize ang mga paborableng odds.
Limitasyon at mga dapat Ikonsidera
Assumptions at Estimasyon
Ang accuracy ng Kelly Criterion ay umaasa sa iyong abilidad ng pag-estimate ng iyong tyansa na manalo. Ang mga biases, emosyonal na impluwensya, at kakulangan sa impormasyon ay maaring magresulta ng maling estima at maaaring makaapekto sa pagiging epektibo ng nasabing pormula.
Variability at Bankroll Volatility
Ang paggamit ng Kelly Criterion ay maaaring magresulta ng pabagu-bagong bankroll dahil sa pagiging agresibo nito. Mainam na dapat balansehin ang kagustuhang mapalago ang bankroll at ang kakayahan nitong malagpasan ang mga losing streaks.
Limitadong Praktikalidad
Dahil fractional ang mga taya sa Kelly Criterion, may mga sitwasyon na hindi ito angkop. Bukod pa rito, may mga panlabas na factor na dapat din na ikonsidera gaya na lang ng halaga ng transaksyon, limit ng laki ng bet, o di kaya’y potensyal na pagbabago ng odds.
Epektibo ba ang Kelly Criterion sa Online Gambling?
Ang Kelly Criterion ay maaaring maging epektibo kapag ginamit sa online gambling at magamit ang mga advantage sa pag-optimize ng mga desisyon sa pagtaya. Ang mga online platform gaya ng OKBet ay may access sa malawak na impormasyon at real-time na odds, samahan mo pa ng maraming pagpipilian sa pagpusta. Kapag ginamit ang mga ganitong resources ay makakagawa ka ng desisyon at paglalaan ng bankroll ng maayos.
Subalit dapat ding isaisip ang pagiging disiplinado, gaya ng pagsunod sa rekomendasyon at management tools na mayroon ang platform para sa mas epektibong bankroll management. Ikonsidera din ang efficiency ng merkado at at i-assess ang tyansa at odds ang isa sa mga pangunahing factor sa paggamit ng Kelly Criterion sa pagsusugal.
BASAHIN: MGA STRATEGY SA MARTINGALE SYSTEM – ALAMIN AT MATUTO