
Dahil papalapit na nang papalapit ang Halloween, oras na para pag-usapan ang isang lugar na hindi mo inaasahang puno ng kababalaghan—Las Vegas. Sa likod ng kumukutitap na mga ilaw, ang mga umaalingawngaw na slot machines, at ang nagkakalansingang mga chips, may tinatagong katatakutan ang Sin City.
Pero paano nangyari na napadpad ang mga hindi maipaliwanag na enkwentro sa lugar na ito? Maaring dahil sa kasaysayan nito, o ‘di kaya naman ay dahil sa imahinasyon ng isang tao. Pero isa lamang ang sigurado: walang sulok o lugar sa mundo ang walang kababalaghan.
Oras na upang alamin dito sa OKBet SpoOky special: Las Vegas.
Ang Multo ni Bugsy
Ayon sa kasaysayan, ang Las Vegas ay naitayo sa tulong ng organized crime gaya ng mafia. Kung hindi dahil sa grupong ito, ang lugar ay maaring isa lamang na maalikabok na bayan as gitna ng Nevada desert.
Pero dahil ang mafia ay kilala sa kanilang pagiging bayolente at krimen, hindi na nakakapagtaka na isang sikat na mobster ang mananatili sa isa sa mga haligi ng isang hotel, kahit na matagal na siyang namaalam.
Ipinakikilala si Benjamin “Bugsy” Siegel, isang charismatic na mobster. Pero huwag ka magpadala sa kanyang alindog dahil isa siya sa mga pinaka-delikadong mobster noong kapanahunan niya.
Pinaniniwalaan na minahal ni Siegel ang pagsusugal at nagpunta ng Las Vegas upang maging financier ng isa sa mga kauna-unahang casino sa siyudad. Kanya ring binili at pinamahalaan ang Flamingo Hotel sa kasagsagan ng krisis nito at tinulungang magbukas muli noong 1946.
Dahil mayroon siyang ugnayan sa criminal na organisasyon, bukod sa pag-pondo sa pagpapagawa ng mga casino at ng hotel, ang buhay ni Bugsy ay laging nasa panganib. Nangyari nga ang hindi inaasahan makalipas ang anim na buwan.
Matapos na buksan niya muli ang Flamingo Hotel, binaril siya sa may bintana ng bahay ng kanyang nobya sa Beverly Hills. Hindi natukoy ang bumaril.
Pero pinigilan ba ng kanyang pagkawala na bisitahin ang Flamingo? Ayon sa mga bisita ng hotel, madalas nilang nakikita ang isang lalakli na may pananamit na pang-1940s. Mayroon ding pagkakataon kung saan “sumama” si Siegel sa isang grupo ng mga turista na naglilibot sa siyudad para lamang itama ang sinabi ng kanilang gabay.
Nanatili si Liberace
Isang sikat na piyanista si Liberace. Kahit na sinong nakapanood ng kanyang pagtatanghal ay siguradong hindi malilimutan kung gaano siya kahusay at katalento sa keyboard, bukod pa sa kanyang nakakasilaw na itsura. Ang piyanista ay mahilig na pamanghain ang mga tao gamit ang kanyang kapa na may mga diyamante, nagkikintabang mga singsing, at candelabra.
Pero siya ay hindi isang tao na walang sikreto. Pinagbawalan si Liberace na ipaalam ang kanyang sekswalidad. At nang siya ay yumao, hindi niya nakalimutan na isa siyang entertainer.
Ayon sa mga ulat ng Las Vegas Sun, ang kanyang mansyon sa Shirley, Las Vegas, ay inaaliw sa takot ang sinumang mapapadaan dito sa gabi. Ayon sa diyaryo, may mangilan-ngilan na nanatili sa lugar ang espiritu niya.
Bukod dito, mahilig pa rin daw siyang bisitahin ang kanyang dating restorant, ang Tivoli Gardens. Paglalahad ng mga empleyado ng kainan, nakita nila ang kapa ni Liberace, habang ang iba naman ay natunghayang gumalaw ang mga silverware na sila lang.
Bumisita ang Titanic
Alam natin na lumubog ang Titanic sa North Atlantic Ocean. Kaya paanong napadpad ito sa Las Vegas?
Ilang parte ng Titanic ang naka-display sa Luxor Hotel and Casino. Bukod sa mga piyesa, may ilang bagay rin na sa exhibit na binansagang, “Titanic: The Artifact Exhibit,” ang hango sa wreckage ng barko.
Pero hindi lamang ito ang dinala sa hotel—pati ang mga pasahero nito.
Ang mga bumibisita sa exhibit space ay nakakakita ng mga multo na mula sa Edwardian era. Hindi rin maaalis ang kakaibang pakiramdam kapag nasa lugar na iyon. Mayroon ding pagkakataon kung saan may ilang nakakaita sa isang babaeng nakaitim na bigla-bigla na lamang mawawala.
Mga Espiritu sa ‘Sinumpang’ Luxor Hotel
Hindi lamang mga multo at hindi maipaliwanag na makikita sa Titanic exhibit ang mayro’n sa Luxor Hotel and Casino sapagkat maraming ulat ng kababalaghan ang maririnig dito.
Taong 1993 nang mabuo ang hotel, at kahit na ito ay nais na magkaroon ng family-friendly na vibe, ito ay may nakakatakot na nakaraan sapagkat para itong isinumpa.
Isang replika ng sinaunang Ehipto, ang Luxor Hotel and Casino ay maaring nadala rin ang sumpa at kamalasan na hatid ng libingan ni Tutankhamun.
Habang tinatangkang tapusin ang gusali, may ilang lokal na residente ang nagsabing pitong manggagagawa ang nasawi sa kalagitnaan ng pagbuo nito sapagkat napaka-kumplikadong magtayo na naka-39 degree na anggulo. Mayroon din ditong nagpakamatay na babae matapos tumalon sa ika-26 na palapag noong 1996. Ang ngalan niya ay Jane Doe. Isa namang lalaki ang tumalon sa ika-10 palapag at nasawi. Parehong pagkamatay ay nilista bilang “unknown.”
Ilan lamang ito sa mga nakakatakot na k’wento na matatagpuan sa Las Vegas. Marami pa ito, at maibabahagi ito sa susunod, dito lamang sa OKBet. Pero habang ikaw ay naghihintay sa susunod na k’wentong katatakutan, bakit hindi ka muna maglaro? Mag-register lang dito!