Ang pagsusugal ay nakakahumaling, at kung ang isang manlalaro ay magkakaroon ng ilang mga gawi, ito ay masamang pangitain hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati sa mga taong nakapaligid sa kanya. Para sa blog na ito, inilista namin ang pinakamasamang katangian na dapat iwasan ng isang sugarol.
Nagtitiwala sa pekeng websites
“Trust takes years to build but only seconds to be destroyed.” Ang kasabihang ito ay nalalapat hindi lamang sa buhay kundi pati na rin sa mga mahilig sa pagsusugal na sumusubok ng mga bagong bagay.
Dahil sa pagsikat ng digital platforms, ang mga awtorisadong casino at operator ng sugalan ay nakapag-adapt, at nagdagdag ng mga online na serbisyo sa kanilang arsenal. Ngunit, ang mga maraming pekeng websites ang lumitaw, tulad ng mga kabute sa panahon ng bagyo.
Pansinin ang problema na kasalukuyang kinakaharap ng OKBET, isang awtorisadong sports betting website. Ito ay lisensyado ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at isa sa 17 lehitimong casino sa Pilipinas.
Dahil ito ay kabahagi ng ilang pinapayagang casino sa bansa, ilang website ang nagpapanggap bilang OKBET. Layunin nilang makapanloko ng mga tao upang maniwala na sila ang mga lehitimong casino.
Paano nila nagagawa? Sa pamamagitan ng paggaya sa brand, logo, at market ng kanilang ginagaya. Bukod dito, ang mga nakakatawang promosyon ay ibinibigay sa sinumang potensyal na manlalaro upang akitin ang mga tao na gumastos ng pera sa kanila.
Karamihan, kung hindi man lahat, sa mga illegal website na ito, ay iisa ang agenda—manloko ng mga tao. Kapag dito tumaya, ang mga bettors ay palaging nasa panganib na mawala ang kanilang sariling pera at ang kanilang mga panalo.
Kaya naman ang masamang bisyo sa pagsusugal ay madaling magtiwala. Pinakamabuting mamuhunan lamang ng pera sa mga lisensyadong operator ng casino. Sa kaso ng OKBET, ilagay lamang ang iyong mga taya sa kanilang site, www.okbet.com.
Walang kontrol sa sarili
Ang pagsusugal, tulad ng anumang laro, ay isang aktibidad kung saan mabilis ang takbo ng oras. Anuman ang sitwasyon, manalo ka man o matalo, palaging mayroong kaakibat na adrenaline ang paglalaro.
Kung hindi mapipigilan, maaari itong lumala at humantong sa pagkalulong sa pagsusugal, na sisira sa iyong buhay. Ang pinakamainam para sa isang manunugal na patulay sumaya sa paglalaro ay ang limitahan ang oras nito.
Ang pera ay palaging mababawi. Kung malas ka sa araw na ito, huminto at ipagpabukas ang pagtaya..
Higit sa lahat, matutong limitahan ang iyong paggastos sa mga laro. Isa sa mga masamang gawi ng isang sugarol ay ang pag-iisip na mayroon silang walang unlimited resources, kahit wala naman.
Kaya maglagay ng limitasyon pagdating sa pagsusugal. Makakatulong din ito na maiwasan ang pagkagumon at itaguyod ang disiplina sa sarili.
Casinos ay fantasylands
Kabilang sa masamang gawi ay ang pag-asa ng sobra sa isang casino. Kadalasan, ang bettors ay naglalaro sa tyansang manalo ng jackpot. Kapag natalo, ang sisi nila ay sa laro at sa casino.
Hindi dapat ito ang mindset ng isang malalaro. Ang posibilidad na maging grand winner ay maliit dahil karamihan sa mga laro ay pabor sa House.
Gayunpaman, posible pa ring manalo basta’t hindi ka nage-expect ng malaki. Sa ganoong paraan, kahit na wala kang s’werte, walang panghihinayang sa parte me.
Naglalaro na laging may panganib
Ang isang problema sa pagsusugal ay kadalasang nauugnay sa isang high-risk, high-reward na istilo ng paglalaro. Ang isang manlalaro na hindi natatakot matalo dahil sa pag-asa ng isang malaking payout ay magiging problema sa hinaharap.
Pinakamabuting maglaro nang ligtas at tumaya ng maliit. Minsan, ang pagtaya sa mas maliit ay maaaring humantong sa mas malaking kita; kung matalo ka, ito ay maliit lamang.
Mahalaga ring tandaan na ang ganitong klaseng istilo ay magdudulot ng pagkalulong sa sugal. Kung ikaw o isang taong kilala mo ay nangangailangan ng tulong, mayroong ilang paraan at mga sentro ng rehabilitasyon para sa mga nalulong sa pagsusugal. Sa Pilipinas, nag-aalok ang PAGCOR ng self-exclusion program, na may form na magagamit para ma-download.
Walang bankroll management
Ang mga tao ay paminsan-minsan na nagsusugal, ngunit hindi lahat ay alam kung paano maging responsable. Ang isang masamang gawi na kadalasang ginagawa ng mga manlalaro ay kung paano nila pinamamahalaan ang kanilang bankroll.
Kapag ang isang mananaya ay tumangging kilalanin na dapat palaging may plano kapag naglalaro sa isang casino, mabilis ang paglubog niya sa mga utang.
Konklusyon
Ang masamang gawi sa pagsusugal ay maaaring humantong sa pagkasira ng isang tao sa pananalapi at personal. Pinakamabuting magsanay na maging responsableng sugarol kaysa maghintay hanggang huli na ang lahat.
Basahin: Self-Exclusion: Isang Responsableng Paraan ng Pagsusugal