
Matapos matalo sa Qatar FIFA World Cup, pitong coach ang umalis o nag-resign sa kani-kanilang koponan. Ang ibang mga natalong bansa ay iniisip pa rin kung sisibakin ba ang kanilang mga head coach.
Ang pakikipagkumpitensya sa prestihiyosong torneo ay isang malaking karangalan para sa mga bansang kwalipikado. Kapag talunan, masiyadong nakakahiya sa mga manager kaya’t kusang-loob silang nagbibitiw sa tungkulin o tinanggal sa kanilang mga koponan.
Sa ngayon, magkakaroon ng mga bagong head coach ang Mexico, Belgium, Ghana, South Korea, Spain, Brazil, Netherlands, at Portugal sa susunod na World Cup.
Narito ang pitong manager na na-boot o tinanggal pagkatapos ng kanilang pagkakaalis sa FIFA World Cup:
Gerardo Martino
Si Martino ang unang umalis sa kanyang puwesto kasunod ng mapangwasak na pagkawala ng Mexico sa unang round ng torneo. Mahina ang performance ng bansa sa kanilang laban, at nagtapos ng 1-1-1.
Ang dating coach ng Mexico, ang pang-anim sa highest-paid-managers sa World Cup. Kaya naman ito ay agad na nagbitiw pagkatapos ng kanilang nakakahiyang pagkatalo.
Bukod dito, ang “maling pagtrato” na dinanas niya sa nakalipas na ilang buwan ang nagpatibay sa kanyang desisyon na hindi na maging coach ng Mexican team.
Tila interesaso naman ang Peru at Ecuador na kunin si Martino. Ang manager naman ay hayagang nagpalabas ng saloobin patungkol sa pag-coach sa isang South American para sa susunod na World Cup.
Roberto Martínez
Sa pag-expire ng kanyang kontrata sa pag-coach sa Belgium at ang pagtalo sa kanila ng Croatia sa knock-out stage, umalis si Martínez sa bansang naging parte siya simula 2016.
“My situation is very clear. This is the end for me,” sabi niya sa isang panayam. “Whatever the result of this tournament, I took the decision before the World Cup. It’s all about [the] long term. Since 2018, I could have taken many jobs. I don’t resign; it’s just ending like this.”
Samantala, naglabas ng pahayag ang Belgium na nagpapatunay na pinakawalan na nila ang kahalili ni Marc Wilmots.
“We thank Roberto Martínez for everything he achieved with this Golden Generation as a coach as well as a technical director: four consecutive years number one on the FIFA ranking, a bronze medal at the 2018 World Cup, qualification for the UEFA 2021 Euros, the 2021 UEFA Nations League Final Four and the 2022 World Cup,” saad ng Royal Belgian FA (RBFA) CEO na si Peter Bossaert.
Ang Belgium ay nagkaroon ng isang nakakadismayang laban sa Croatia. Madami silang pinakawalang oportunidad upang makaiskor subalit lahat ito’y pinalagpas. Ang natatanging puntos lamang ng koponan ay isang beses sa kanilang tatlong laban, sapat na para masipa ang mga Europeans sa torneo.
Otto Addo
Ang Black Stars ng Ghana ay naghahanap ngayon ng bagong head coach dahil nagbitiw si Addo pagkatapos nilamg matalo sa FIFA World Cup. Sinelyuhan ng Uruguay ang kapalaran nito sa Round 16 ng tournament.
Sa isang panayam, nilinaw ni Addo na aalis siya sa pambansang koponan manalo man o matalo sa torneo.
“Yes, I said it before when I started as [an] assistant coach in October last year. It was clear I would stop after the World Cup. At the moment, me and my family see our future in Germany, and I like my role at Dortmund, and we are very happy there,” paglilinaw ng 47-year-old coach.
Paulo Bento
Ang South Korea ay may malalakas na kalaban sa stage group nito. Hinarap nila ang Portugal, Uruguay, Ghana, at sa huling laban kontra Brazil, tinalo ang mga Koreano 4-1.
Matapos matalo sa FIFA World Cup, sinabi ni Bento na hindi siya mananatili sa South Korea at sa gayon ay aalis sa kanyang posisyon bilang head coach ng koponan nito.
“Now I need to think about the future, but I will not be with the Korea team. I am going to rest and then see,” sabi niya.
“I have just told the players and the president of the national federation. This is a decision that] I took in September. It was set in stone, and today I confirmed it. I have to thank them and am very proud to have been their manager,” dagdag pa nito.
Luis Enrique
Sinibak ng Spain si Enrique matapos ang nakakahiyang performance ng bansa laban sa Germany, Japan, at Morocco. Matapos ang kanilang namumukod-tanging pagganap laban sa Costa Rica, 7-0, ay inilagay ng Germans ang Spain sa 1-1 draw, bago tinalo sila ng Japan 2-1. Ang kanilang huling laban ay talo rin kontra Morocco. Ito ay inilarawan bilang “lifeless” dahil pinaabot pa ng mga Espanyo sa penalty shootout ang laban, at sila’y natalo, 3-0.
Si Santos ay papalitan ng isa pang Luis, si Luis de la Fuente.
Adenor Leonardo “Tite” Bacchi
Umalis si Tite, 61, bilang head coach ng Brazil matapos matalo sa Croatia sa pamamagitan ng penalty kicks noong quarterfinals ng FIFA World Cup.
Gayunpaman, buo na ang desisyon nito na umalis pagkatapos ng torneo.
“The cycle ended, and I said that one and a half years ago. I needed to have the full cycle, and now I have the full cycle and have followed the moments,” sabi niya sa isang panayam.
Samantala, maaaring pumalit sa kanya ay si Carlo Ancelotti o kaya’y si Pep Guardiola.
Louis van Gaal
Sinabi ni Van Gaal na iiwan na niya ang pagiging team coach ng Netherlands matapos silang talunin ng Argentina sa mga penalty.
“First and foremost, I won’t be continuing. I only did it for this period of time. This was my very last match of my third term as head coach,” saad ng 71-year-old coach noong post-match conference.
Fernando Santos
Matapos ang walong taon ng pamamahala sa Portugal, sa wakas ay bumaba si Santos matapos ang kanilang pagkatalo sa Morocco sa quarterfinals ng tournament. Nakakabigla ito sa mga tagahanga ng football, lalo na at si Cristiano Ronaldo ay uhaw sa tropeo ng World Cup.
“I’m leaving with the feeling of enormous gratitude,” sabi ni Santos sa bidyo na nasa opisyal na website ng koponan.
Sa kanyang huling World Cup kasama ang Portugal, si Santos ay binatikos nang husto sa kanyang mga desisyon. Siya ang responsable sa pag-bench kay Ronaldo, ang kanyang star player, sa loob ng 51 minuto ng laro laban sa Morocco.
Samantala, pinaniniwalaang si Jose Mourinho ang magiging kapalit ni Santos.
Sina Félix Sánchez (Qatar), Rob Page (Wales), Kasper Hjulmand (Denmark), Diego Alonso (Uruguay), at Dragan Stojković (Serbia) ay bali-balitang nanganganib na masibak sa kani-kanilang mga koponan.
Para sa mas marami pang sports and casino updates and blogs, bisitahin lamang ang OKBET
Basahin: Responsableng Pagsusugal: Maging Maingat sa Ilegal na Casinos