category category TJ category category Dec 19, 2022
OKBET Messi

Nakamit sa wakas ni Lionel Messi ang tagumpay sa FIFA World Cup pagkatapos talunin ng Argentina ang France sa FIFA World Cup final. Nagpakita siya ng kagila-gilalas na galing laban sa kanyang teammate sa Paris Saint-Germain na si Kylian Mbappe.

Alam ng lahat na binalak ni Messi na tapusin ang kanyang Argentina career sa huling laro ng World Cup. Sinabi na niya sa media na mag-reretiro na siya pagkatapos ng final, manalo man siya o hindi.

Sinabi niya rin na magandang finale sa kanyang international career ang final kontra France. Bahagyang paborito manalo ang Les Bleus sa OKBET, at pinakita ni Mbappe kung bakit may kumpisyansa sa kanila ang bookies. Umabot sa penalty shootout ang laban, kung saan nagpakita ng galing si Emiliano Martinez.

Ngunit nagbago ang ihip ng hangin para sa Golden Ball winner. Napagdesisyunan niyang ipagpatuloy ang kanyang international career. Ang kanyang hangaring makapaglaro sa Argentina bilang World Cup champion ang pinakamalaking dahilan ng desisyon niya.

OKBET Messi

Habang maraming Argentina fans ang natuwa sa inanunsyo ni Messi, marami ring nag-iisip kung kakayanin pa ba ni Messi maglaro sa mataas ni antas sa susunod na World Cup. Pagdating ng 2026, 39 anyos na si Messi. Nakita ng mga nanood na nahirapan maglaro si Cristiano Ronaldo, na kasalukuyang 37 ang edad.

Maari siyang makapaglaro sa 2026 kung babaguhin niya ang kanyang play style. Kung gagayahin niya si Antoine Griezmann na lumipat sa midfield para sa Les Bleus, malaki ang posibilidad na makita natin si Messi sa 2026.

Liban dito, handa ang Argentina coach na si Lionel Scaloni na isama si Messi sa 2026 squad. Sinabi niyang handa siyang isali si Messi hangga’t nais niyang maglaro para sa Argentina.

Nagtakda si Messi ng POTM Record

Hindi lamang ang unang World Cup ni Messi ang dahilan para ipagdiwang ng Argentina ang 2022 World Cup. Isa sa mga pinakamagagaling na individual performances ang larong ipinakita ni Messi sa patimpalak na ito.

Ang player na kilala bilang La Pulga ang kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan ng World Cup na nakapagtala ng limang Player of the Match (POTM) awards sa isang tournament. Nakakuha siya ng limang POTM honors, kabilang ang two-goal, one-assist performance niya sa final.

May mga ibang stats rin na nagpakita kung gaano kagaling si Messi sa tournament na ito. Isang goal lamang ang lamang ni Mbappe sa kanya; si Mbappe ang nanalo ng Golden Boot dahil sa walo niyang goals.

Epektibo si Messi sa loob ng penalty box dahil ang kanyang 4.6 shots per game ang pinakamataas sa World Cup na ito. Ang kanyang 8.25 player score ang pinakamataas rin sa lahat ng manlalaro nitong nakaraang World Cup.

Kung titignan natin kung gaano kaganda ang nilaro niya sa World Cup na ito, walang magtataka kung isama siya ni Scaloni sa 2026 World Cup.

Basahin pa: Nueva Ecija Wagi Kontra sa Kapos na Zamboanga