category category TJ category category Dec 19, 2022
OKBET Lionel Messi ang the GOAT

Opisyal na tapos na! Nagtagumpay ang Argentina laban sa France noong Disyembre 19, at sa wakas ay ibinigay kay 35-anyos Lionel Messi ang World Cup trophy na talagang inaasam-asam niya.

Ang finals match laban sa Argentinian La Albiceleste, at ang French Les Bleus ay makalaglag-puso. Ito rin ang tatapos sa debate kung sino ang mas mahusay sa pagitan ni La Pulga at Cristiano Ronaldo. Gayunpaman, pinatunayan ni Messi na dapat siyang ituring na greatest of all time (G.O.A.T.) nang masungkit niya—sa isang dramatikong paraan—ang kanyang kauna-unahang World Cup trophy.

Ang nakakamangha pa, binasag niya ang ilang mga rekord sa torneo ngayong taon. 25 ang may pinakaraming appearances sa paligsahan, at hawak it ni Lothar Matthäus ng Germany. Itinabla ito ng GOAT nang lumaban sila sa Croatia noong Martes bago nakapagtala ng bagong record (26) nang makaharap ang France.

Si Messi rin ang unang manlalaro sa kasaysayan ng World Cup na may goal sa bawat knock-out match. Siya rin ang unang nagkaroon ng dalawang World Cup Ball Awards (2014 at 2022).

Parehong uhaw sina La Pulga at Ronaldo sa WC trophy. Pareho silang tinawag na pinakadakilang striker ngunit hindi pa nakakakuha ng panalo sa FIFA tournament. Tinapos ng una ang usapan matapos talunin ang France. Samanatala, laglag naman ang Portugal kontra Morocco noong quarterfinals at may iskor na 1-0.

Highlights ng Laban

OKBET Lionel Messi ang the GOAT

Matindi ang laban sa simula, ngunit ipinakita ni Messi kung bakit siya ang the GOAT. Umiskor kaag siya ng unang goal (sa pamamagitan ng penalty) sa ilalim sa ika-23 minutes. Mabilis na nagkaroon ng two-point lead ang Argentina laban sa France, sa pamamagitan ni Ángel Di María na umiskor ng isa pa para sa koponan sa loob ng 36 minuto ng laban.

Ngunit, sa pagpasok sa second half, sinimulan ng France ang kanilang comeback. Nagawa ni Kylian Mbappé na pababaain ang kalamangan ng kalaban sa isa matapos makaiskor sa pamamagitan ng penalty.

Dahil sa foul na na-commit ni Nicolás Otamendi, nag-collape ang depensa ng Argentina. Hindi naman ito pinalagpas ng France. Mabilis naitabla Mbappé ang laro, at sa loob ng 90 na segundo, wala na ang kalamanangan ng Argentina.

Nabigyan ang laro ng extra time, at sa sa ika-108 na minuto, ibinalik ni Messi ang kalamangan sa Argentina 3-2. Subalit hindi naman nagpatalo ang France dahil itinabla ni Mbappé ang iskor sa pamamagitan ng isang penalty kick.

At dahil ubos na ang oras. nagkaroon ng penalty shootout. Nagwagi ang Argentina matapos na i-perfect ang kanilang mga tira. Ang France naman ay nagmintis ng dalawang beses, at tuluyang sumuko sa kalaban.

Ito rin ang nagsilbi upang tanghalin ang Argentina na tanging bansa na nanalo sa kanilang mga laban sa pamamagitan ng penalty shootout. Anim na ang kanilang naipanalo pagkatapos ng 2022 FIFA tournament.

Sila rin ang ikatlong bansa na nag-uwi ng WC trophy dahil sa final shootout.

Predicted na ang Laro

Na-predict ng OKBET na ang magwawagi ng torneo ay walang iba kundi ang Argentina. Subalit hindi sila ang nauna, dahil mayroong isang netizen ang nakakita ng hinaharap — pitong taon na ang nakakalipas.

Noong 2015, José Miguel Polanco ay nag-tweet na mahahawakan ni Messi ang inaasam na World Cup trophy, taong 2022. At tama nga siya, dahil kampeon ang Argentina ngayong 2022 Qatar FIFA World Cup, at ginapi ang France sa penalty shootout 4-2.

“December 18, 2022. 34 year old Leo Messi will win the World Cup and become the greatest player of all times. Check back with me in 7 years,” tweet ni Polanco.

Basahin: Brazil Talo sa World Cup; Coach Tite Nag-resign