Hindi maganda ang simula ng Miami Heat sa 2022/23 NBA season. Dahil dito, malaking bagay para sa Heat na nanalo sila noong Huwebes kontra Oklahoma City Thunder kahit na hindi naglaro si Jimmy Butler.
Subalit hindi nagustuhan ng NBA ang desisyon na ito dahil hindi agad nila nalagyan ng update ang kanilang injury report bago nila makaharap ang Thunder. Dahil dito, binigyan nila ang Haet ng multang na umabot sa $25,000.
Ayon sa statement na ni-release ng NBA patungkol sa multa, nabigo ang Heat na ilagay ang mga nararapat na update sa kanilang mga injury report. Dapat maging malinaw sa mga fans na bumili ng ticket para mapanood ang Heat sa Paycom Center na hindi maglalaro si Butler bilang parte ng maintenance sa tuhod ng kanilang star forward.
Lohikal para sa Heat na ipahinga si Butler kontra sa Thunder. Bahagyang paborito ang Heat sa mga OKBET bookies noong makaharap nila ang OKC.
Nakatulong ang kakaunting pahingang nakuha ni Jimmy Buckets dahil maglalaro din ang grupo sa Mexico City laban sa San Antonio Spurs. Dahil din sa trip na ito ay pinahinga nila sila Bam Adebayo, Kyle Lowry, at Victor Oladipo.
Bahagi ang parusang ito sa maigting na kampanya ng NBA na bawasan ang mga insidente ng load management sa liga. Malaking problema para kanila Adam Silver na pinapahinga ng mga team ang kanilang mga star player sa mga laro. Nakakasira ang load management ng NBA experience sa mga fans na nagbabayad para mapanood ang paborito nilang player.
Nakatatawa ang naging sagot ng Heat sa suspension na binigay nila. Inilista ng Heat ang lahat ng kanilang players sa injury list bago ang kanilang laban sa Mexico. Halatang pinatamaan nila ang liga sa kanilang nilabas na injury report.
Butler, Naniniwalang Ayaw ng NBA sa Heat
Maraming tinuturo ang injury list bilang nanunuksong sagot ng Heat sa fine na nakuha nila. Subalit kinuwento ni Jimmy Butler na posibleng may pinaghuhugutan ang pag-release ng napakahaba nilang injury report.
Ayon sa panayam ni Butler kay Shandel Richardson ng Inside The Heat, naniniwala siyang hindi binibigyan ang Heat ng atensyon tulad ng ibang mga malalakas na kuponan sa liga. Habang natutuwa siyang maglalaro sila sa Mexico City, nadidismaya siyang hindi sila laging napapalabas sa national TV.
Ayon sa datos, tama si Butler sa kanyang opinyon. Kahit na umabot ang Miami Heat sa NBA Finals noong Orlando bubble, hindi ganoon karami ang nationally televised games nila.
Nilinaw ng Miami star na hindi sila prioridad ng NBA sa ngayon, ngunit wala silang pakialam. Kitang-kita sa injury report ng Heat na wala silang pakialam kung minamaliit sila ng buong liga.
Basahin pa: