category category Timothy Gacura category category Nov 30, 2022

Pinatumba ng Nueva Ecija Rice Vanguards ang San Juan Knights upang sungkitin ang OKBET-sponsored MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) North Division title na ginanap nitong Nobyembre 25, sa Nueva Ecija Coliseum, Palayan City.

OKBET 2022 MPBL North Champion

Bago pa man tuluyang matapos ang laban, sumuko na si senator Jinggoy Estrada, co-owner ng Knights. Natapos ang laro, 84-68, at tinanghal na bagong MPBL North Division champion ang Rice Vanguards sa three-game series.

Sadyang napakaganda ng pinakitang opensa ng Nueva Ecija. Pinangunahan ni Byron Villarias ang Nueva Ecija na may 19 na puntos, kasama ang limang tres. Si Will McAloney naman ay kumasa ng 15 puntos at walong rebound.

Tumulong naman ang Rice Vanguards players na sina Christopher Bitoon, Michael Mabulac, at JR Taganas. Nagbigay sila ng 24 puntos, kasama ng 18 rebounds, at anim na assist upang tulungan ang kanilang team na magwagi.

Matindi ang ipinakitang puso ng Knights nina Orlan Wamar, Dexter Maiquez, at Judel Fuentes. Nakapagtala si Wamar ng 16 puntos samantalang sina Marquez at fuentes ay may 14.

Batangas laglag sa Zamboanga

Sa kabilang dako naman, ginulat ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang 2018 MPBL Anta Rajah Cup champion na Batangas City Embassy Chill. Sinungkit nito ang South title nitong Lunes, Nobyemre 28 sa isang dikit na laban, 80-71.

Ngunit hindi naging madali ang pagkapanalo ng Sardines. Sa kabuuan ng tatlong quarters ng Game 3, nanatiling naghahabol ang Zamboanga ng 19 puntos, 35-54.

Pero pagpasok ng fourth quarter, ang MPBL All-Star MVP na si Jaycee Marcelino, sa tulong nina Cyrus Tabi, Ralph Tansingco, Chris Dumapig, at Chito Jaime.

Hindi rin nawalan ng drama ang laro dahil sa pambabastos na ginawa ni Batangas Coach Cholo Villanueva kay MPBL Commissioner Kenneth Duremdes. Ito ay matapos na ireklamo ang ginawang pagsabit ni Tabi sa rim.

Akala ni Villanueva ay hindi nabigyan ng technical ang manlalaro. Aawardan sana ng mga opisyales ng isang technical free throw ang Batangas.

Dahil na rin sa pambabastos ng coach ng Batangas, minabuti ng MPBL committee na i-dismiss ang technical ni Tabi.

Samantala, maghaharap naman ang mga bagong tanghal na MPBL North at South Division champions sa darating na Disyembre 2 para sa isang 5-game na serye.

Basahin: Westbrook Muntik Ma-Injured Kontra Spurs