
Sa baseball, kung saan ang mga pamahiin ay malaki ang impluwensya sa mga manlalaro at sa laro, ang sikat na Billy Goat Curse ay isang sumpa na sadyang mapaminsala sapagkat ninakaw nito sa Chicago Cubs ang maraming potensyal na tagumpay. Para sa Halloween Special na hatid ng OKBet, ating pag-usapan ang lalaki sa likod ng sumpang ito—William “Billy Goat” Sianis.
Kung nagtataka ka gaano katagal ang sumpang ito sa Cubs? Mahigit pitong dekada lang naman.
Sino ang lalaking ito? Siya si Sianis, o kilala bilang si Billy Goat, isang Griyego. Siya ang may-ari ng isang tavern na may kaparehang pangalan.
Siya ay isang masugid na tagahanga ng Cubs, na simula 1876 hanggang sa taon na ito’y sinumpa, ay nagkaroon ng isang matagumpay na baseball season. Sa isang banda, nakapagtala pa sila ng 5475-4324 (.559) na rekord, at mayroong 51 na winning seasons. Ang Chicaco Cubs ay napakalakas na pwersa noon, lalo na’t mayroon silang 16 first-place finishes, may 16 na pennants, at ang pinakaimportante, malimit silang kabilang sa World Series.
Nakakatakot ang koponan na ito lalo na at nasungkit nila ang mga pennants noong 1910 at 1918. Sa sampung taon, nagkaroon sila ng apat na pennants sa mga taong 1929, 1932, 1935, at 1938. Ngunit isang pagkakamali sa mga opisyales at sa may-ari ng Wrigley Field ang magiging ugat ng paglubog ng Cubs.
Ang Araw na ang Sumpa ni Billy the Goat ay Nabuo
Nangyari ito noong Oktubre 6, 1945 sa Wrigley Field. Ang Cubs ay isa na namang kalahok sa World Series. Katunggali nila ay ang Detroit Tigers, at may kalamangan sila sa serye na 2-1. Kailangan na lamang nila ng isang panalo para masungkit ang kampeonato.
At gaya ng isang masugid na tagahanga, nagpunta si Sianis upang panoorin ang kanyang paboritong koponan. Sa pagkakataong ito, kanyang dinala si Murphy upang magbigay ng ekstrang swerte, pero si Murphy ay isang kambing.
Pagdating niya sa bungad ng stadium, hinarang si Sianis na makapasok kasama ang kanyang alaga. Dala ng inis, tinangka niyang ilapit ang isyu sa may-ari ng Clubs na si P.K. Wrigley.
Ang kanyang pagkadismaya ay naging kumpletong pagkalugmok at galit nang sumagot si Wrigley sa wikang Ingles ng, “Papasukin si Billy, pero huwag ang kambing,” dahil “ito’y mabaho.”
Dahil sa nakatanggap ng masasakit na salita mula sa may-ari ng club na kanyang minahal at sinuportahan, nasambit ni Sianis ito:
“Hinding-hindi na mananalo ang Clubs. Hindi mananalo ng World Series ang Clubs hangga’t hindi pinapapasok ang kambing sa Wrigley Field.”
At parang hindi sinadya, pero natalo ang Chicago sa Game 4. Na-swept rin sila—isang malakas na koponan—sa kanilang home court at sa World Series, kung saan hindi nila nasungkit ang kampeonato.
Ang Paglubog ng Chicago Cubs
Nang marinig ang balita na natalo ang Chicago Cubs sa World Series, nagpadala ng telegram si Sianis kay Wrigley na naglalaman ng mga katagang:
“Sino ang mabaho ngayon?”
Simula noon, hindi na nakatungtong ang Cubs sa World Series. Palagi na lamang silang nasa ika-limang pwesto o mas mababa pa.
Dahil na rin sa kanilang pangit na performance at lagi silang iniiwasan ng World Series, binansagan silang “Loveable Losers” at pinalitan ang kanilang motto ng “Wait ‘til next year.” nakapagtala lamang sila ng 4250-4874 (.466) na rekord na may 15 winning seasons at tatlong first-place finish. Wala ring pennants ang Cubs at hindi naka-qualify sa Series.
Bukod dito, isa sa pinakamaraming halimbawa ng Billy Goat curse sa Cubs ay ang insidente ni Steve Bartman kung saan nagawa niyang ipatalo ang napakaimportanteng laro.
Mga Pagtatangka at Magandang Panapos
Paano nagawa ng Cubs na baliin ang sumpa?
Maraming pagtatangka upang baliin ito, lalo na noong binawi ni Sianis ang kanyang sumpa bago siya pumanaw noong Oktubre 22, 1970. Bagama’t binawi na ng nagbitaw, tila ang kambing ay hindi pa kuntento.
Ang pamangkin ng yumaong si Williams na nagngangalang Sam ay nagtangkang palubagin ang sumpa sa pamamagitan ng pagdadala ng isang kambing sa Wrigley. Sa tulong ng Tribune columnist na si Dave Condon, sila ay inakay patungo sa bulwagan lulan ng isang puting limousine at red carpet.
Isa pang pagtatangka ay noong 2003 kung saan isang grupo ng mga tagasuporta ng Cubs ang ninais na mabuwag ang sumpa ni Billy the Goat sa pamamagitan ng pagdala kay Virgil Homer, isang kambing sa isa sa mga laro. Bagama’t hindi sila pinahintulutang makapasok, tila naman lumambot ang puso ni Murphy sapagkat muntik ng makapasok sa World Series ang Chicago kung hindi lang dahil sa Florida Marlins at walang Bartman.
Taong 2016 nang tuluyang mawalan ng bisa ang sumpa. Ang Cubs ay nagtapos ng may isang napakagandang rekord na 103-48 (.640). Nakuha rin nila ulit ang 100 na panalo sa isang season buhat noong 1935. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataaon at ika-anim ng franchise.
Napanalunan din ng Chicago ang kanilang pinakaunang pennant at dinomina ang National League Championship Series (NLCS). Sa Game 6, kanilang pinatumba ang Los Angeles Dodgers sa Wrigley Field, 5-0.
Parang talagang itinadhana, dahil ang panalo ay kasabay din ng ika-46 death anniversary ni Sianis.
Nasungkit din ng Cubs ang kauna-unahan nilang World Series title 108 taon na ang nakakalipas matapos na talunin ang Cleveland Indians. Nanalo sila ng 8-7 sa ika-sampung inning.
BASAHIN: Abandonandong Casino at Resort sa Pinas na Maaring Haunted