category category Timothy Gacura category category Oct 12, 2023
OKBet OKtoberfest

Oktoberfest, isang beer festival na ginagawa tuwing buwan ng Oktubre, ay inorganisa ng SiGMA Asia “Sportsbook Operator of the Year” awardee na OKBet sa Pacita Complex 1 sa darating na Sabado, Oct. 14.

Pinamagatang “OKtoberfest,” ang selebrasyon na ito na nagmula sa Munich, Germany, ay magaganap sa Pacita 1, Pacita, San Pedro, Laguna ng alas-kwatro ng hapon upang ipagdiwang ang ika-40 na anibersaryo ng pista ng Sta. Rosario. Ito rin ang magsisilbing marka sa pagbabalik ng festival sa bayan matapos na makansela noong nakaraang taon.

Sa tulong ng Pacita LGU, ang nangungunang online gaming platform ay nangangako ng isang gabi na puno ng musika, saya, at alak, kasabay ng isang espesyal na premyo sa pagtatapos ng kasiyahan—isang maswerteng umatend ang uuwi lulan ng kanyang pinakabagong motorsiklo. Ito ay sampung oras na walang-humpay na entertainment para sa hinihinalang limang libong dadalo.

Bilang pangako ng OKBet na maghahatid ito ng hitik sa saya na gabi para sa lahat, kanilang inimbita ang mga kilalang banda at artists gaya ng Orange & Lemons, Tanya Markova, Alisson Shore, Queen Manica Money, at marami pang iba na sisiguraduhing walang tigil ang musika hanggang alas-dos ng madaling araw.

Samantala, ang pagsasama na ito ng platform at ng LGU Pacita ay ikinatuwa naman ng alkade ng bayan na si Art Joseph Francis Mercado.

“Habang ating pinagdiriwang ang ika-40 na anibersaryo ng pista ng Sta. Rosario sa Pacita 1, itong OKtoberfest na ito ay hindi lang basta beer at music festival; ito’y isang selebrasyon ng ating community spirit. Aking ipinapaabot ang buong-pusong pasasalamat sa OKBet para sa kanilang suporta na maibalik ang fesitval sa lahat ng mga Pacitans,” saad ni Mayor Mercado sa wikang Ingles.

OKBet OKtoberfest

Ano ang Dapat Dalhin sa OKtoberfest?

Kung interesado ka na sumali sa pagdiriwang, maari mong gawin sa pamamagitan ng pagbili ng tiket sa ticketing booth na nagkakahalaga lamang ng P100. Mayroon ka ring libreng beer!

Maari ka ring makakuha ng P20 off kapag bumili ka ng tiket bago pa man magsimula ang event. Hanapin lamang si Nath Estella sa Pacita Barangay Hall!

Ang Vapour Armament sa Calendola, Pacita, at Silcas ay mga awtorisadong seller ng OKtoberfest tickets, na maari mo ring mabili sa mababang halaga na P80 kaya magpunta na doon ngayon na!

At dahil ang event ay sampung oras na puno ng musika at entertainment, hinihikayat ang mga dadalo na magdala ng:

Phone at Powerbank

Madaling mawala sa ganitong event lalo na at kumpulan ang mga tao; ang magiging best friend mo sa ganito ay iyong cellphone lalo na kung nahiwalay ka sa iyong grupo. Pero kung malapit ng mamatay ang iyong phone, kinakailangan mo ng powerbank, kaya magdala na rin nito.

Maari mo ring gamitin ang iyong power bank upang i-charge ang iyong smartphone habang nagba-browse  gamit ang OKtoberfest na free Wi-Fi, na powered ng Sky Fiber! Habang ikaw ay nasa event at gusto mong tignan ang iyong social media, hanapin lamang ang OKBetXSkyFiber na pangalan ng Wi-Fi at kumonek!

Pera

Kinakailangan talaga ang pera para masulit mo ang mga ganitong klaseng event. Mayroon ding mga merchandise na available na maaring bilhin sa mga stalls na nakapalibot sa OKtoberfest. Bukod dito, kailangan mo rin ng pera para makabili ng alak at pagkain upang mabusog at makasabay sa yugyugan habang nakikinig sa mga banda at artists.

Valid ID

Para sa mga mukhang bata (ang s’werte niyo!), magdala lamang ng valid ID at ipresenta sa OKtoberfest marshalls o di kaya sa ticketing booth upang patunayanan na ikaw ay nasa legal na edad.

Ekstrang Damit

Ang mga ganitong klaseng event ay madalas na puno ng pawis at basaan, lalo na sa ganitong panahon. Kaya naman magdala ng karagdagang damit at baka sakaling ang iyong paboritong suotin ay mabasa ng tubig o alak.

Portable Hand Fan

Hindi rin maiiwasan na ang event grounds ay mainit. Para manatiling fresh, magdala ka nito.

Alcohol at Sanitizer

Tayo ay nagrerekober pa rin sa Covid-19 pandemic, at ang banta ng coronavirues ay nandito pa rin. Magdala ng sanitizer o alcohol upang mapanatili ang iyong kamay at katawan na malinis sa bacteria at germs.

Ang event na ito ay sponsored ng Creativents, Contech Sound & Events Co. Ltd., Playstar, Fortune Pay, EA Advertising, JILI, SkyFiber, Aquabest and Venta Air Washer, e-Konek Pilipinas Inc., NMM & Associates Customs Brokers, 1st A Logistics, Smirnoff Mule, Charles and James, San Miguel Brewery Inc., CMYX Print-Spot Digital Printing, at Creative Online Stuff.