category category TJ category category Sep 15, 2023
OKBet American Football Timeline

154 taon na ang nakakalipas simula ng dumating ang American football at ginulat ang buong mundo. Kaya naman ating balikan pansamantala ang ebolusyon ng paligsahan na ito, kung saan ang pisikalan at utakan ang basehan para manalo.

Ano ang American Football?

Ang American football ay isang paligsahan sa pagitan ng dalawang koponan. Layunin ng bawat team ay makapuntos sa pamamagitan ng pagdadala ng oval-shaped na bola hanggang sa “end zone” ng football field ng kalaban. Itong sport na ito ay masiyadong pisikal at kumplikado. Kinakailangan din nito ng kombinasyon ng skills, istratehiya, at teamwork.

Narito ang timeline ng sport na ito:

  • 1869

Ang kasaysayan ng American football ay nagmula sa iba’t-ibang ball games sa Europa gaya ng soccer, pati na rin ang sinaunang adaptation ng rugby. Sa katunayan, ang mga larong ito ay dinala sa Amerika ng mga naunang European settlers. Pero ang pinakaunang American football game ay nangyari noong 1869 sa pagitan ng Rutgers at Princeton, kung saan ang rules ay base sa soccer.

  • 1873

Dati, ang bawat unibersidad at kolehiyo ay may sari-sariling mga patakaran sa football. Pero noong Oktubre 20, 1873, mga representatives mula Yale, Columbia, Princeton, at Rutgers ay nagtipun-tipon sa Fifth Avenue Hotel sa New York City upang pag-usapan ang pagbuo ng kauna-unahang intercollegiate rulebook.

  • 1881

Noong 1881, isang player at coach sa Yale University na nagngangalang Walter Camp ay nagtalaga ng mga patakaran. Nakilala rin siya bilang “Ama ng American Football.” 

Kasama ng ilang grupo habang sila’y nasa Massasoit Convention. Ang kanilang pagpupulong ay nagresulta ng mga patakaran patungkol sa possession, downs, numerical scoring, at bilang ng manlalaro ng bawat koponan na nasa loob ng field.

  • 1920

Dahil sa patuloy na pagbuhos ng kasikatan ng laro, naitatag ang American Professional Football Association (ngayo’y NFL). Layunin nito na magkaroon ng isang liga na para sa mga propesyunal na football teams. 

Hangad din ng organisasyon na ito na mag-organisa at i-promote ang professional football sa Estados Unidos. Bukod dito, isinulong din nito ang pagkakaroon ng isang set ng patakaran at standards. Ang APFA rin ang pumoprotekta sa karapatan ng mga atleta.

Ngunit hindi naging madali ang kanilang pakikipag-sapalaran. Marami ang umalis sa assosasyon at magulo pa pagdating sa schedule at standings.

Makapalipas ang dalawang taon, nagpalit ito ng pangalan, at hanggang ngayon, kilala ito bilang National Football League (NFL). 

  • 1932 – 1933

Pagdating naman ng 1932, nagtalaga angNFL ng kanilang sariling Rules Committee para magkaroon pa ng ibang patakaran. Kaya naman ang American football ay may malaking pagkakaiba sa rugby.

Pagkalipas ng isang taon, isinagawa ng NFL ang pinakauna nitong kampoenato. Noong Disyembre 17, 1933, sa Wrigley Field sa Chicago, naglaban ang Chicago Bears at New York Giants. Ang Bears ang kauna-unahang NFL champions matapos patumbahin ang Giants, 23-21.

  • 1946

Binuo ang All-America Football Conference (AAFC) at naging mabigat na kalaban ng NFL. Subalit nagtagal lamang ito ng tatlong taon dahil na rin sa problemang pinansyal. Nag-disband ang AAFC noong 1949 at tatlo sa teams na mayroon ito (49ers, Browns, at Baltimre Colts) ay napunta sa NFL.

  • 1958

Natunghayan ng mga manunuod ang “Greatest Game Ever Played” sa pagitan ng Baltimore Colts at New York Giants para sa NFL Championship. Ang laban ng dalawang koponan ay nagmarka rin bilang kauna-unahang match na pumasok sa sudden-death overtime. Ang Colts ang nag-uwi ng kampeonato at pinatumba ang Giants, 23-17.

  • 1960

Nagkaroon ng panibagong kompitensya ang NFL, ang American Football League (AFL). Nag-ugat ang pagkakabuo ng organisasyon matapos na hindi payagan ng NFL si Lamar Hunt na magkaroon ng football team. Upang masunod ang kagustuhan, nanghikayat si Hunt ng pito pang grupo upang magkaroon ng isang eight-team na liga.

Sa kasamaang-palad, nagtagal lamang ito ng sampung taon, at mas pinili na lamang na sumanib sa NFL.

  • 1967

Ito ang taon kung saan naganap ang kauna-unahang championship game sa pagitan ng AFL at NFL. Nangyari ito matapos na ianunsyo ng AFL noong Hunyo 1966 ang balak nitong pakikipag-merge sa NFL. Ang laban ay tinanghal bilang AFL-NFL World Championship Game (na kalaunan ay naging Super Bowl). Ito ay sa pagitan ng NFL champions Green Bay Packers at kampeon ng AFL, ang Kansas City Chiefs. Ang Packers ang nagwagi, 35-10, at ipinamalas na ‘di hamak na mas mataas na liga ang NFL.

OKBet American Football Timeline

|Mahalaga na may nai-download ka na football app lalo na kung ikaw ay mahilig sa soccer, lalo na’t hilig mo rin ang tumaya sa mga football matches|

  • 1970

Ito ang taon kung saan nagsimula ng mag-operate na parang iisang organisasyon ang NFL at AFL. Sa taon ding ito, sumali na ang Buffalo Bills, Boston Patriots, New York Jets, Houston Oilers, Denver Broncos, Kansas City Chiefs, Oakland Raiders, Miami Dolphins, Cincinnati Bengals, at San Diego Chargers.

  • 1983

Ito ang taon kung kailan ipinatupad ng NFL ang gabay sa pass interference. Ang pass interference ay ang act ng isang player kung saan mahigit sa isang yarda sa linya ng scrimmage ang nakaapekto para sa receiver na masalo ang bola. Dinagdagan rin ng officials sa field, na dati’y dalawa lamang, at ngayo’y naging pito.

Sa pagpasok ng 21st century, patuloy ang pagsulong ng pagbabago sa NFL, na parehong nakakabuti sa organisasyon at sa mga players. At habang nagkakaroon ng mga panibagong pagsubok, gaya ng Covid-19 noong 2020, ang NFL ay hindi nagpatinag at pautol na nagbabago at makapag-adapt upang makapagbigay ng aksyon sa mga fans, at makapaghatid ng magandang odds sa mga online bookmakers gaya ng OKBet.

BASAHIN: 15 Horse Racing Trivia na Kailangan Mong Malaman