
Dahil sa iligal na pagsusugal, inilunsad ng gobyerno ang Small Town Lottery o STL ay upang subukang i-regulate at linisin ang gaming industry. Ngunit tila hindi ito epektibo sapagkat marami pa rin ang umaalma sa larong ito kahit na may pahintulot sa pamahalaan.
STL sa Pilipinas: Panlaban sa Iregularidad?
Ang STL ay isang klase ng lotohan na pinapatakbo ng estado. Matatagpuan ito sa mga probinsya, o ‘di kaya naman ay sa mga siyudad.
Layunin nitong puksain at mabigyang-solusyon ang lumalaganap na iligal na sugalan. Ang mga kita nito ay mapupunta sa pondo ng publiko, na nagpapakita ng transparency at pagpuksa sa mga gambling operator na walang lisensya.
Nailunsad ang small-town lottery bilang parte ng utos ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Philippine Charity Sweepstakes Offfice (PCSO). Misyon nitong kalabanin at alisin ang jueteng at ipamalas ang pagmamalasakit ng mga Pilipino.
Marami ang nagkukumpara sa STL at Jueteng. Subalit, ang tunay na kahulugan at pagkakaiba ng dalawa ay dahil ang STL ay legal, samantalang ang Jueteng ay hindi saklaw ng kahit na anong ahensya ng gobyerno.
Bukod dito, ang small town lottery ay may mga guidelines na sinusunod, partikular na ang mga kapulisan. Ayon sa alituntunin, ang mga pulis ay hindi maaring arestuhin ang sinumang awtorisado ng PCSO na magsagawa ng operasyon ng STL hangga’t walang nagrereklamo. P’wede rin silang maaresto sa oras na lumabag sila sa Republic Act No. 9287 o ang Anti-Illegal Gambling Act.
Benepisyo ng STL
Buhat ng magkaroon ng test run ang STL noong Disyembre 28, 2005, malaki ang naiambag nito sa ekonomiya ng bansa. Sa taong 2006 hanggang 2007, nakapagtala ito ng kitang mahigit tatlong bilyong piso. Nagkaroon din ng humigit-kumulang na 62,00 na trabaho para sa mga cabos at cobradores.
Ang kinita ng STL ay nahahati sa mga sumusunod, at may kalakip na porsyento:
- 10% para sa siyudad o bayan
- 5% para sa provincial government
- 2.5% para sa congressional district
- 5% para sa PNP.
Ang Paglubog
Subalit, hindi nito magawa ang misyon nitong puksain ang mga iligal na laro tulad ng Jueteng. Sa halip, nakadagdag ito sa mga bisyo ng mga Pilipino, at paunti-unti ay nagiging parte na ng problema. Kaya naman marami na ang tumututol sa klase ng sugal na ito.
Halimbawa na lamang ay ang pangakong transparency ng PCSO, na hindi naman nito natupad.
Bukod pa rito, imbes na maging kalaban ng mga iligal na sugal, ay naging parte pa ito, lalo na at kinurakot ang ahensyang namahahala nito.
Hindi rin ito nakaganda sa isang komunidad lalo na at hitik ito sa kontrobersiya at korupsyon. Imbes din na maging solusyon, ay naging problema na ito ng mga Pilipino na nalulong na rin sa pagtaya sa STL, lalo na’t may kakayahan talaga itong makapagpabago ng isang buhay.
Halimbawa na lamang ay ang pagtutol ni Bishop Julito Cortes ng Dumagueta matapos na mabalitaang magbabalik ang STL sa kanyang lalawigan. Iginiit niyang may masama itong epekto at may potensyal na makasira ng moralidad.
“Ang STL at kaparehong mga laro ay hinihikayat ang mga mahihirap na umasa sa swerte at tyansa imbes na magtrabaho ng masigasig,” sabi ni Cortes sa Ingles.
Sa katunayan, may punto ang Obispo sapagkat napakarami ng kontrobersiya at alegasyon kung saan sangkot ang STL lalo na ito ay pinamamahalaan ng gobyerno. Kaya naman unti-unti nang lumulubog ang larong ito.
Kung ikukumpara naman natin ito sa mga lisensyadong online casino, at sa mga operator na sakop ng Philippine Amusement Gaming Corporation (PAGCOR), ‘di hamak na mas nakaka-engganyo at nakakaakit na maglaro sa mga operators nito.
Kaya ano pa ang hinihintay mo? Mag-register na sa lisensyadong casino na punung-puno ng maganda at legal na laro!
|BASAHIN: Dapat Bang Simulan ng Online Casinos sa Pilipinas ang Paggamit ng Bicoin?