Base sa ulat ng GGRAsia, ang Pilipinas ay inaasahan na magkakaroon ng bilyun-bilyong dolyar mula sa gaming revenue, at hindi pa kasama rito ang kita ng mga operator ng illegal gambling platofrm.
Ayon pa sa Asian casino newsletter, ang bansa ay inaasahan na makakapag-generate ng gross gaming revenue (GGR) na malapit sa $5.2 bilyon o P294.67 bilyon sa katapusan ng 2023. At kung walang problema, maari pa itong umabot ng $5.9 bilyon o P334.36 bilyon. Pero ito’y isang malaking KUNG.
Dahil base sa latest gambling news sa Pilipinas, talamak pa rin ang illegal gambling. Ang pinakabagong mga nahuli ng awtoridad ay 11 na Chinese at tatlong Pilipino, matapos na madiskubre na sila ay nag-operate ng hindi lisensyadong gambling den sa loob ng isang salon sa Parañaque City.
Nadiskubre ng mga pulis na nang-raid sa establisimyento na ito ay puno ng fish table games. Ito ay klase ng laro na gumagamit ng mga tokens upang barilin ang mga isda para makakuha ng puntos. Ang naipon nilang puntos ay iko-convert naman nila sa pera. Nagkakahalaga ng P1,000 ang bawat token, at ayon kay Police Lieutenant Colonel Jolet Guevara sa wikang Ingles, “malinaw na ito ay illegal gambling.”
Samantala, ang salon owner naman ay hindi pa rin nahuhuli, at may mga ulat pa na itong operator na ito ay marami pang ibang illegal na gambling operations sa lugar.
PAGCOR Sangkot sa isang Gulo
Ang isa sa mga tagapamahala ng gambling industry sa bansa ay nasangkot sa isang kontrobersiya na maaring sumira sa integridad ng ahensya.
Sampu (10) sa dati at kasalukuyang opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ay kinasuhan ng abuse of authority matapos na ang bond na nagkakahalaga ng $1.32 milyon (P75 milyon) ay biglang nawala na parang bula.
Sangkot sa kaso ay sina: dating PAGCOR board members Gabriel Claudio, yumaong Carmen Pedrosa at Reynaldo Concordia, James Patrick Bondoc, dating PAGCOR head Andrea Domingo, kasalukuyang chief Alejandro Tengco, at chief of staff ni Tengco na si Dianne Erica Jogno.
Ang nag-file ng reklamo ay ang Kamura Highlands and Gaming and Holdings Inc matapos na ibigay ang bond sa ahensya para makakuha ng permit upang mag-operate ng e-sabong o online cockfighting. Subalit, ito ay bago ipagbawal ng Senado ang virtual sabong.
Ipinagbawal na ng Senado ang lahat ng e-sabong operations sa bansa nitong nakaraang taon, at naapektuhan ang mga operators, lalo na si Atong Ang, ang may-ari ng pinakamalaking online sabong platform sa Pilipinas.
At nang mapagdesisyunan ng gobyerno na ipagbawal ito, at ang gambling news na ito ay ankarating sa Kamura Highlands, ang chairman nito na si Joaquin Sy, ay agarang kinontak ang PAGCOR para sa kanilang pera.
Pagsisimula ng Kontrobersiya
Kinontak ni Sy ang mga dating opisyal ng PAGCOR pero sabi niya ay hindi siya nakatanggan ng kahit na anong tugon. Ang nangyari pala ay dahil wala na sa ahensya ang pera, kundi naibigay na nila ito sa iba.
Ang tumanggap ay si Jewel Castro, at ang naglipat umano ng pera ay ang dating PAGCOR chairperson na si Andrea Domingo. May koneksyon si Castro sa Kamura; subalit, and naturang indibidwal ay walang kahit na anong kaugnayan sa kumpanya; hindi rin ito isang primary shareholder.
Ang kasalukuyang chairman na si Tengco ay kasama sa kaso, bukod pa sa ibang reklamo. Naniniwala diumano si Sy na ang bagong PAGCOR head at ang kanyang chief of staff ay nakapag-commit ng obstruction of justice matapos na ilihim ang isyu. Bukod pa rito, naramdaman ng complainant na hindi rumesponde ang mga ito ng mabilis sa kanyang naunang request na magkaroon ng kalinawan sa totoong nangyari sa bond.
Online Gambling Nanganganib
Ang online gambling ay nanganganib base na rin sa mga kasalukuyang nangyayari, lalo na at may korupsiyon na nagaganap sa PAGCOR. Ang mga news articles patungkol sa gambling ay nag-uulat na marami na ang nais i-ban kahit mga online casinos.
Ngayong ang integridad ng PAGCOR ay nasira, kasabay pa ng laganap na kriminal na aktibidad sa online gambling industry, may tyansa na maipasara ito. Kapag nangyari ito, malaki ang magiging epekto nito, hindi lang sa revenue ng bansa, kundi mawawalan ang mga Pilipino ng isa pang mapaglilibangan.
BASAHIN: Bullfighting sa Digital Era: Walang Kasiguraduhang Laban para sa Survival