Maraming hindi malilimutan ang nagdaang FIFA World Cup dahil napanalunan na rin ni Lionel Messi ang World Cup para sa Argentina. Ngunit may mga tao ring magsasabi na si Kylian Mbappe ang pinakamatayog na pangalan sa World Cup final.
Walang football fan ang makalilimot sa ma-alamat na hat trick ni Kylian Mbappe upang subukang maiuwi ang James Rimet trophy para sa France. Mas maraming bibilib kung iisipin nilang muntikan na siyang manalo ng dalawang World Cup sa edad na 23 anyos. May mga taong kinukumpara na si Mbappe kay nila Messi, Pele, at Diego Maradona.
Hindi lamang siya magaling para sa Les Bleus. Hirap ang mga kalaban ng PSG sa Ligue 1 na pigilan si Mbappe maka-iskor. Kahit ang mga nakalaban ng Les Parisiens sa Champions League ay nahirapang pigilan ang forward na mailagay ang bola sa goal.
Dahil sa ganda ng kanyang pinakita, napapaisip ang mga football experts ng OKBET kung tatapusin ba ni Mbappe ang kanyang bagong kontrata sa PSG. Maraming naniniwalang posibleng umalis ang star striker kung hindi sila manalo sa Champions League ngayong season.
Alamin kung paano naging in-demand si Mbappe sa larong ito. Alamin rin kung aling mga club ang maaaring makakuha kay Mbappe kung magdesisyon mang siyang iwanan ang Paris.
Ang Hindi-Malilimutang World Cup Final ni Mbappe
Kung may mga kang hindi interesado sa football, gumawa ka ng paraan na maipapanood sa kanila ang 2022 World Cup final sa pagitan ng Argentina at France. Parehong naging maganda ang laro ng dalawang bansa sa harap ng Lusail Stadium at ng buong mundo.
Subalit maraming magsasabi na ibang klase ang naging laro ni Mbappe sa final. Siya ang pinakamalaking dahilan kung bakit nakaabot ang Les Bleus sa penalty shootout. Ang dalawa niyang goals sa dulo ng second half at ang kanyang penalty sa extra time ang dahilan kung bakit muntikang hindi maiwui ni Messi ang World Cup.
Malinaw sa lahat na isa na si Mbappe sa mga pinakamagagaling na footballer dahil sa kanyang kakayahang magdala ng isang team sa isang torneyong kasinglaki ng World Cup. Dahil dito, mas marami pang tao ang magiging interesado sa kanyang mga aksyon sa hinaharap.
Balak na Ba Umalis ni Kylian Mbappe sa PSG?
Ang relasyon ni Kylian Mbappe sa PSG ang isa sa mga binabantayan ng mga fans at football clubs na interesadong isali siya sa kanilang koponan. Matunog ang balitang nakukulangan siya sa ginagawa ng PSG para madala ang Champions League trophy sa kapitolyo ng Pransiya.
Isa sa mga tinuturong dahilan ang paggamit sa kanya ni Christophe Galtier sa kanyang pagkainis sa PSG. Kasalukuyang mag-isa lamang si Mbappe sa dulo ng 3-4-2-1, kung saan nasa likod niya sila Messi at Neymar. Mas gusto niya ang sistema ng Les Bleus, kung saan may kasama niyang target man sa harap ng goal.
Sinubukan ng PSG na hanapan si Mbappe ng kasama sa harap noong huling summer transfer window. Sa kasamaang palad, wala silang nakuhang magandang kapares para sa kanya.
Isa pang sanhi ng hidwaan ay ang relasyon nila ni Neymar. Malinaw sa lahat ng PSG fans na hindi maganda ang samahan ng dalawa. Bagama’t bumuti ang kanilang ugnayan noong huling season dahil kay Messi, malinaw pa rin na ayaw niyang kasama ang Brazilian striker.
Posibleng mawala ang kanyang kagustuhang umalis kung maipanalo nila ang Champions League ngayong season. Subalit may mga tao rin sa media na nag-iisip kung nararapat bang ganito kalawig ang impluwensiya ni Mbappe sa PSG.
Saan Naman Lilipat si Kylian Mbappe?
Maraming clubs na handang kunin si Mbappe mula sa PSG kung gugustuhin niya talagang umalis ng France. Sa kasalukuyan, may apat na clubs na interesado sa kanya.
Real Madrid
Alam ng lahat na paboritong club ni Mbappe ang Real Madrid. Naging paborito niyang football player si Cristiano Ronaldo noong naglalaro pa siya para sa Los Blancos. Muntik na nga siyang lumipat sa kanila kung hindi lang siya pumirma ng bagong kontrata sa PSG.
Nais ni Real Madrid president Florentino Perez na makuha siya dahil siya ang magiging pinakabagong Galactico ng Madrid. Kailangan rin siya ni Perez upang tuluyang makalimutan ang kapalpakan ng kanyang European Super League project.
Chelsea
Isa ang Chelsea sa mga clubs na may pinakamalakas na squad sa buong Europa. Subalit isa sa mga pinakamalaking kahinaan ng kanilang squad ay ang kawalan ng consistent striker na gagawa goals para sa kanila.
Magiging malaking tulong si Mbappe sa kanilang grupo kung makuha nila ito mula sa PSG. Siya rin ang tipo ng manlalaro na gustong isama ni Todd Boehly sa kanyang team.
Manchester United
Pangit ang naging simula ng taon para sa Manchester United. Habang unti-unti nang naiintindihan ng team ang sistema ni Erik ten Hag, kailangan pa rin nilang ng effective na striker pagkatapos umalis ni Cristiano Ronaldo sa team.
Magiging magandang kapalit si Mbappe para kay Ronaldo. May posibilidad na maakit nila si Mbappe na maglaro sa kanila kung ibida nila ang pagkakataon na naging katulad ng kanyang idol noong mga unang taon niya bilang Red Devil.
Liverpool
Nakagugulat para sa iba na kasama ang Liverpool sa mga football club na maaaring makakuha kay Kylian Mbappe. Kakakuha lang nila kay Darwin Nunez nitong nakaraang transfer window, at maganda naman ang kanyang pinakita para sa Reds.
Subalit mahirap tanggihan ang pagkakataong makuha ang isang player na kasing-galing ni Mbappe. Naisipan na niyang maglaro para sa Liverpool dahil paborito ito ng kanyang ina.
Maliban dito, bibigyan siya ng bihrang pagkakataong matalo si Erling Haaland at Manchester City. Silang dalawa ni Haaland ang itinuturing na bagong henerasyon nila Messi at Ronaldo, at mahirap tanggalin ang appeal ng oportunidad na ito.
Nakaabang ang Lahat Para Kay Kylian Mbappe
Sinabi ni Mbappe bago nagsimula ang World Cup na wala siyang balak umalis ng Paris. Subalit maraming pwedeng mangyari, kabilang dito ang pag-alis niya sa Enero.
Hanggang mangyari iyon, nakaabang ang buong mundo sa susunod na gagawin ni Kylian Mbappe.
Basahin pa: Los Angeles Lakers: Kaya Pa Ba Nila Umabot sa Finals?