category category TJ category category Jan 2, 2023
OKBET Tim Cone

Walang nakakaalam kung ano mangyayari sa PBA Commissioner’s Cup final pagkatapos manalo ng Bay Area Dragons. Ngunit may masasabi si Barangay Ginebra Gin Kings Coach Tim Cone patungkol sa head coach ng Dragons na si Brian Goorjian.

Naniniwala si Cone na magaling ang American-Australian na laruin ang media upang bigyan ang kanyang team ng kalamangan.

OKBET Tim Cone

Naging maganda ang laro ng Dragons sa Game 2, at maaaring napansin ng mga naglalaro sa OKBET na halos magkaparehas ang final score sa naging resulta ng Game 1. Mapapansin rin na mas kakaunting foul calls ang nakuha ng Ginebra kumpara sa Dragons.

“Their coach, coach Brian did a good job of selling to the press, selling to you guys, and everybody else about the calls from the last game,” sinabi ni Cone sa Ingles sa mga mediamen na nagpunta sa post-game press conference. “Did a great job of selling it.”

Madaling makita ang punto ni Cone kung titignan ang naging dami ng free-throw attempts ng dalawang koponan. Lima lamang ang naging FT attempts ng Ginebra habang kahindik-hindik na 21 ang binigay na free throws sa Bay Area.

Mariing itinanggi ni Goorjian na ang kanyang mga sinabi sa huli niyang press conference ang naging susi sa dami ng kanilang nakuhang free throws. Pinuri niya ang kanyang mga players dahil sa kanilang disiplina sa depensa at pag-iwas sa pagkakamit ng foul.

Tinanggap ni Cone ang Overconfidence Bilang Dahilan ng Pagkatalo

Kahit na nagparinig si Cone sa taktika ni Goorjian, hindi niya maipagkaila ang improvement ng Bay Area. Inamin niyang ang ganda ng pinakita nilang laro sa Game 2 ang dahilan kung bakit sila natalo.

Si Andrew Nicholson ang top scorer ng Bay Area pagkatapos niyang makaiskor ng 30 points at makakuha ng 15 rebounds. Naging maganda rin ang laro nila Zhu Songwei at Hayden Blankley na parehong nakagawa ng tatlong three-point shot.

Samantala, sinabi ni Tim Cone na ang mataas na kumpiyansa ng Ginebra pagkatapos ng maganda nilang laro sa Game 1 ang maaaring dahilan ng kanilang pagkatalo. Si Justin Brownlee lamang ang hindi napigilan ng Bay Area defense pagkatapos niya makapagtala ng 32 points at 11 rebounds. Naging matinik rin siya sa tres dahil nakashoot siya nang pito mula sa three-point line.

Hindi naulit nila L.A. Tenorio at Christian Stanhardinger ang maganda nilang ipinakita sa Game 1. Pareho nilang tinapos ang laro na may walong puntos kada isa.

Basahin pa: Chicago Bulls, Hirap Manalo Sa Tambalang DeRozan-LaVine